[TBP] ENTRY#50: Still secrets, meeting her, avoiding him

2.7K 52 5
                                    

Lucien’s POV

Isang linggo na matapos ang pagkakaaksidente ko at ngayon ay nasa bahay na ako. Ang dami ko ng absent sa school. --_______-- at ngayon ay kasalukuyan na naman akong nakikipagtalo kay kuya Axel.

“Anong sabi mo?” mukha siyang galit pero sinisikap niyang huminahon.

“Final na ang desisyon ko kuya, I’ll stay here in the Philippines for good.” Ulit ko sa sinasabi ko kanina.

He looks exasperated.

“Is that really what you want?” maya-maya’y tanong niya sa kin.

Tumango ako.

“Besides, wala na rin naman dahilan para bumalik ako doon alam ko na ang lahat.”

“Lucien, look… sana alam mo ang mga sinasabi mo, kasi alam mo…” para siyang may gustong sabihin sa kin na hindi niya magawang ipaalam kung ano.

“May itinatago ka pa ba sa kin kuya?” di ko maiwasang tanong.

“Ha? None, it’s just that… I don’t want you getting hurt.”

Tumayo na ko sa kinauupuan ko.

“I wish you’ll tell me why do you have keep me away from Dark kuya.”

Tiningnan niya ko ng mataman. “Not today, Hemera Lucien.”

“Fine, wag mo lang hintayin na sa iba ko pa malaman.”

Tapos lumabas na ko ng study niya. Naiinis pa rin ako kay kuya Axel, hindi niya na ipinapa- take sa kin yung gamot pero nananatili ang tatlong nurse ko. May bodyguards pa rin ako at hindi nagbabago ang bilang nila.

Babalik na sana ako sa silid ko nang mapansin kong lumabas si kuya Blaine mula sa isa pang pinto katabi ng study ni kuya Axel, at ngayon ko lang napag-isip… hindi ko pa napapasok ang kuwartong yun.

“Lucien.” Tila gulat na saad ni kuya Blaine ng makita ako.

“Anong ginagawa mo diyan kuya? Di mo naman kuwarto yan ah.”

“Ha? Ah wala may hinanap lang ako.”

“Bakit ano bang meron diyan?”

“Ito? Bodega na ito ng mga lumang gamit dito sa bahay.” Aniya habang nila-lock ang pinto, weird lang kasi bukod sa lock sa door knob may tatlo pang kandado na nakakabit sa pinto.

“Bakit ang dami naman atang kandado diyan kuya?”

“Madali na kasing masira ang lock nito sa door knob, kaya kailangan nito.”

“Ah.” Grabe namang bodega yan kailangan napaka-secure. Baka marami pang mahahalagang bagay doon na di pwedeng pakielaman ng kung sino-sino lang.

“Ano nga palang napag-usapan niyo ni kuya Axel?” aniya matapos mailagay ang lahat ng kandado.

“Sinabi ko na sa kanyang hindi na talaga ako babalik ng London, although hindi ko alam kung talagang pumapayag siya pero tinanong niya ko kung ito ba talaga ang gusto ko.”

“Oh, so final na talaga ang desisyon mo?”

“Yes.” May bigla akong naalala. “Bakit nga pala hindi kita makita simula nung Sabado ng gabi na dapat may date ako?”

“Ah yun ba? Wala tumindi kasi ang away namin ni kuya Axel kaya pinili ko munang umalis ng bahay pero nung malaman kong naaksidente ka, napagtanto kong maling iniwan kita dito.”

“Hindi, ayos lang kuya… ah nga pala, gusto ko sanang lumabas ng bahay pwede mo ba kong samahan?”

Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya.

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon