[TBP] ENTRY#34: How to show your feelings?

2.8K 55 5
                                    


Lucien’s POV

These past few days laging masakit ang ulo ko. >.< tapos lagi akong nananaginip.

Nakakainis naman.


“Hey noona okay ka lang?” tanong sa kin ni Kione.


“Ha? Ah oo, okay lang ako.”


“Kanina ka pa kasi tahimik diyan eh di lang ako sanay, pero dahil sabi mo okay ka lang aalis na ko may meeting pa kami sa photography club eh. Bye noona!”


“Bye Kione.” Walang gana kong sabi.


Busy nga pala lahat ngayon, next week na kasi ang Sports Fest, Ngayong week ang tinakdang time ng school para sa mga players at candidates sa iba’t’ibang contest na makapaghanda. Napapagod na nga ako, tapos dinagdagan pa yung candidates sa Mr. & Ms. Hendrix High, di na per year level ang representatives, per section na so lumalabas na kami ni Dark ay representative ng Section 4-A . Apat na sections pa naman per year level.

“Hoy baliw, tawag tayo ni Ms. Dimakulangan sa auditorium may rehearsal daw ng special number ng lahat ng candidates!” salubong agad ni Dark pagkapasok ng room, di ba talaga uso sa kanya ang Hi, Hello? Sa lahat ng manliligaw siya ang napakasiga manuyo. Sarap upakan. >.<


“Di ba pwedeng mamaya na lang Dark? nung isang araw pa natin pinapractice yang special number na yan eh.”


“Hindi raw pwede, wala rin akong choice kaya halika na!” tapos hinila niya ko patayo sa upuan ko. “


“Hoy Dark wag mo ngang pinipilit si Lulu!” biglang entra ni Skye fresh from basketball.


“Wag ka makialam Skye intindihin mo sarili mong practice!”-Dark.


“Talaga namang---“


“Hoy Villamor balik sa court di pa tayo tapos!” –Coach Sen.


“Hay nakakabadtrip naman oh! Ge nandiyan na! hoy Dark bantayan mo si Lulu!” pahabol ni Skye bago bugnot na bugnot na bumalik sa court.


Tiningnan ko si Dark, bakit parang ang saya saya niya habang hinihila ako? Hindi siya nakangiti, pasipol-sipol lang.


“Hoy Dark bakit parang ang saya mo?” tanong ko.


Tumingin siya sa kin. “Ako masaya? Kailan pa nangyari yun?”


“Kapag kasama mo ako.” direkta kong sabi.


“Kapal mo talaga no.”


“Sus deny ka pa, aminin mo na.”

The Black Prince [BOOK 1 ~ EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon