Chapter 25

194K 1.4K 34
                                    

CHAPTER 25

- JENNIFER -

Kumunot ang noo ko paglabas ko ng room ni Sandy at makarating ako dun sa reception desk nung ospital. Madaraanan ko naman kasi 'yun paglabas ko eh. Sa labas lang kasi may tindang mineral water eh nauuhaw na ako, diba?

Pero ito nga, may nahagip kasi ang paningin ko eh. Namamalikmata kaya ako? Totoo ba itong nakikita ng mga mata ko?

Si Ace Salvacion ba 'yung nagtatanong sa receptionist?

Anong ginagawa niya dito?

Naisipan na ba niyang bisitahin ang kaawa awa niyang asawa? O baka naman iba ang dahilan ng pagpunta niya? Baka may sakit din siya at magpapa-admit?

Sana nga may sakit na lang din siya, para match sila ni Sandy.

Ay joke. Binabawi ko 'yung sinabi ko. Ang bad eh. Hindi naman ako kasing demonyo ni Ace para hilingin ang mga ganung klaseng bagay.

At dahil nga nacurious ako sa nilalang na ito, sinundan ko lang siya ng tingin. Nakita kong pagkatapos niyang magtanong dun sa receptionist eh nanigas siya sa kinatatayuan niya. Ha! Kakaintriga talaga ang isang 'to.

Anyare, Ace?

Maya-maya pa eh nakita kong lumakad siya papunta dun sa isa sa mga waiting chairs sa labas. Eh dahil hindi ko na siya makita, dahan dahan akong lumapit. Siyempre, dahan dahan talaga dapat. Hindi pwedeng makita niya ako. Tapos malaman pa niyang ini-stalk ko siya.

Nakapagtago ako dun sa likod nung halamang nasa loob ng ospital. Medyo mataas 'yung halaman kaya hindi rin ako kita dito. Although may mga tumitingin sa aking mga doktor na dumaraan. Tinaasan lang ako ng kilay. Tinaasan ko lang din sila. Patarayan na lang. Wala akong pakialam sa kanila.

Binalingan ko ulit si Ace at nakita kong sinasabunutan niya ang sarili niya.

Hala? Anyare talaga sa isang 'to?

Baliw na?

Ahhh! Sabi na eh. May sayad talaga sa utak itong si Ace. Jeesh.

Nakita ko pang tinaas niya ng bahagya 'yung kanang kamay niya na wari mo'y nag-p-promise.

Ah! Takte 'tong si Ace. Shunga lang dre? Ba't nag-p-promise ang isang 'to? O baka naman nagpapanatang Makabayan? Ewan eh. Hindi ko naman marinig ang sinasabi niya. Ang layo niya sa akin. Isa pa, nasa likod lang ako ng isang halaman.

May mga nakikiusyoso sa ginagawa ni Ace sa sarili niya kaya lang, mukha namang hindi iyon alintana ng baliw na lalaki.

Sa tingin ko, base sa pag-aaral ko sa hitsura niya...

Frustrated siya.

I mean, frustrated na frustrated.

Ang tanong! ! !

Bakit siya frustrated?

HAY! Anong malay ko?

Nakita ko ulit na sinabunutan niya ang sarili niya.

“Jeesh, strike two Ace.” pagkausap ko sa sarili ko. Hala, nahahawa na yata ako sa kabaliwan ni Ace.

Nagsalita rin siya ng medyo malakas pero dahil malayo ako sa kanya at nasa likod pa rin ako ng isang halaman, hindi ko na rin narinig. Ah, peste! Dapat pala humanap ako ng pwesto kung saan mas rinig ko siya. Baliw.

May mga tumitingin tingin na naman sa kanya. Nginitian lang niya ang mga iyon tapos eh sumimangot pagkaraan. Ang mga mata, parang makakapatay. Alam ko na ang naiisip ng isang 'to eh. Base pa lang sa expression ng mukha niya.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon