Chapter 32

169K 1.3K 124
                                    

Sorry for making some of you cry. I did not intend to do that. :P

**

CHAPTER 32

- CASSANDRA -

Nang kantahan ako ni Ace kahapon, naglaho bigla ang lahat ng doubts ko sa kanya. Tsaka, nakita ko naman kung gaano siya ka-sincere sa lahat ng sinabi niya sa akin eh. Even the song said it all. Siguro, hahayaan ko na lang siyang gawin kung ano man ang trip niyang gawin. Mag-a-adjust na lang ako kahit talagang nawiwindang pa rin ako sa kabaitang pinapakita niya sa akin. Hindi ako sanay eh.

Isa pa, kahit ba anong tanggi at pag-arte ang gawin ko, aminado akong kinikilig ako sa mga pinapakitang ito ni Ace. Para akong nagbalik sa pagkateenager ko.

First time ko pating haranahin eh. Never naman ako nagkaroon ng romantic relationships nung college ako kasi alam ninyo namang patay na patay na ako kay Ace ng mga panahong iyon. Hindi na rin ako nag-entertain ng mga manliligaw kasi mapanood ko palang na magperform ang banda nina Ace noon, solve na ako.

Natutuwa ako at nagawa niyang tugtugan ulit ako. Alam ko, nahirapan din 'yan dahil halos dalawang taon 'yang hindi na nakakahawak ng gitara. Effort rin 'yun. Ngumiti ang puso ko dahil dun.

Nag-iyakan lang kami ng konti (?) ni Ace nun at sabay kaming nagbreakfast. As usual, siya na naman itong naghanda ng kakainin namin. Hindi pa rin ako sanay. Gumawa rin siya ng pancakes. Favorite namin 'yun parehas eh. Hindi lang si Ace ang may favorite dun. Maging ako man.

Sa totoo lang, mas masarap akong gumawa ng pancakes sa kanya. 'Yung kanya kasi, sobrang kulang sa alsa tapos medyo dry pa. Pero masarap naman. Mas masarap lang talaga 'yung gawa ko. Sinubukan kong biruin siya, titingnan ko kung magagalit.

“Alam mo... ang pangit ng lasa nitong pancakes na ginawa mo. 'Wag ka nang uulit ah. Ako na ang gagawa next time.” Sinabi ko 'yun para pumayag siya at ako na ulit ang maghanda ng breakfast. Ayoko kasi itong nangyayari. Para akong nagiging disabled. Wala akong magawa eh. Nakatunganga lang ako sa mansion. Ayokong ganito habang nabubuhay pa ako.

Inaasahan kong kukuyom ang mga kamao niya at babayuhin ang dining table. Tapos magngingitngit siya sa galit at bubulyawan ako.

Pero dahil iba na itong Ace na kaharap ko...

Nagkamali ako ng akala.

Tinitigan niya lang ako ng matagal tapos nag-pout. Pinahaba pa niya lalo 'yung nguso niya. Ang cute cute! Parang bata! Pinipigilan ko lang ang matawa kasi ayokong ma-offend siya.

“Oo na. Ikaw na ang magaling gumawa ng pancakes. Ako na ang walang alam. Grabe Cassandra, you just broke my heart.”

Hala? Ang OA naman nitong si Ace.

Para binibiro lang eh?

Umarte pa siya na dinedeadma ako. Sinusundot sundot ko naman ang tagiliran niya. Di talaga siya nagagalit. Ang saya nito!

“Uy, Ace. Joke lang naman eh! Ito naman, di na mabiro. Sorry.”

Di niya pa rin ako pinapansin. Maya-maya lang eh tumingin na siya ulit sa akin.

“Pinaghirapan ko rin kasing lutuin 'yan Cassandra. Tapos lalait laitin mo lang. Tss. Sayang effort ko. Di mo naman na-a-appreciate. Pwede ka namang mag-thank you na lang diba? Eh hindi eh. Kailangan mo pang laitin pagluluto ko.”

Hala.

Nagtampo na.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. May kumawalang luha sa mga mata ko. Aish.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon