Chapter 20

211K 1.6K 168
                                    

CHAPTER 20

- CASSANDRA -

Inaantok ako.

Peste 'tong mga bruhang 'to! Ang gaga gagang mambulabog! Este ang aga agang mambulabog pala. Hahaha. Ang sarap pa ng tulog ko eh. Madaling araw na akong nakakatulog eh. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero hindi lang talaga ako inaantok agad sa gabi. Parang high na high pa ako 'pag nighttime na. Nagmamarathon pa ako ng mga rom-com movies eh. Alam ninyo na, forever alone kasi. Namimiss ko na si Ace.

Luh? Alam kong kung nababasa lang ng mga bruha ang naiisip ko eh kanina pa nila ako nabigyan ng mag-asawang sapok. Hahaha.

I know right. Buti na lang at hindi sila mind-readers.

So ayun nga, nasa kasarapan pa ako ng pananaginip ko nang katukin ako ni Mommy sa kwarto ko. Gumising na raw ako at nasa baba raw si Ace.

Siyempre naman kahit ako'y antok na antok pa talaga eh agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa narinig ko ang pangalan ni Ace.

Bigla namang kumabog ang dibdib ko. Awan ko nga baga. Peste, papatayin ako sa takot nitong kabog ng dibdib ko eh. Hindi ako mapakali. Ano kayang ginagawa ni Ace dito sa bahay? Susunduin na ba niya ako? Hindi na ba siya makikipagdivorce?

Narealize na kaya niyang mahal na niya ako?

Ay, ano ba 'to. Ang OA ko na.

Dali dali akong pumasok sa banyo ng kwarto ko para maglinis. Magmumog na lang ba ako o magtoothbrush na? Hmm. Sige na, mag-t-toothbrush na nga.

Ayun, nang matapos ako eh nagpalit na ako ng damit. Alangan namang harapin ko pa si Ace na nakapantulog pa ako 'no? Nakakahiya pa mandin kasi Hello Kitty ang design. Sorry naman, young at heart eh. Tsaka, 24 pa lang ako 'no. Hmp!

Nagsuklay na rin ako at nagpabango. Tae. Di sana naligo na rin ako. Nakakahiya naman sa akin. Prepared na prepared lang tapos Ace na galit lang pala ang bubungad sa akin.

Ah, hayaan mo na nga. Okay na rin 'to. Presentable ako.

Ayan, bumaba na ako ng hagdan. Di ko na dinalian kasi ayokong masabihang excited. Normal na kilos lang. Pero sa totoo eh kinakabahan talaga ako.

Ayan na...

Bumagsak ang mga ngiti ko at napasimangot ako sa nadatnan ko sa sala. Peste ka Mommy, asan si Ace dito?

“Bakit nandito kayo?” 'yan ang bungad ko sa mga bruhang nasa harap ko ngayon. Yup. Sila nga ang andito. Si Gio baklush at Jennifer. Nakakainis. Napagtripan ako ni Mommy dun ah.

Dumaan si Mommy sa tabi namin at napatingin ako sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama. Siyempre, joke lang 'yun pero badtrip ako sa ginawa niya. Akala niya nakakatuwa ha! Ngumisi lang siya sa akin. Hayy naku si Mom! Feeling teenager. Kainis.

“Did I disappoint you Sweetie?” sabi pa niya sa akin. Nang-aasar talaga!

“Aish.” sabi ko na lang sabay padabog na umupo sa couch.

“Anong problema mo Mich?” nagtatakang tanong sa akin ni Gio.

“Awan.” tamad na sagot ko. Badtrip. Sayang ang pag-t-toothbrush. Dapat nagmouthwash na lang ako. Humph!

Tumawa na naman si Mommy. Ligayang ligaya ang matanda! Grr.

“Uto-uto si Casey eh. Sabi ko kasi bumaba na siya at naghihintay sa kanya si Ace. Sige, dun na ako sa garden, mag-aayos pa ako ng mga alaga ko. Enjoy na lang kayo ha Gio at Jen, paligayahin ninyo 'tong anak kong baliw na baliw.” at umalis na rin nun si Mom.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon