Chapter 47

140K 1K 82
                                    

CHAPTER 47

- ACE -

“Alis na 'ko.”

Hinapit ko si Cassandra palapit sa akin para yakapin siya. Parang robot na nagpaubaya naman siya. Matagal ring nakayakap lang ako sa kanya at inaamoy siya. Ang bango kasi eh. Umagang umaga, amoy baby siya na mabulaklak. Ang sarap panggigilan. Maya-maya ay kumalas na rin ako upang bigyan siya ng halik sa labi niya. Pero pasimpleng iniwas niya ang mukha niya kaya lumanding ang labi ko sa pisngi niya. Nagtataka man ay pinabayaan ko na. Baka ayaw lang niyang magpahalik kasi mabaho raw ang hininga niya. Maski hindi naman.

Ngumiti na lang ako sa kanya at tinitigan siya.

Para siyang doll na walang buhay. May sakit ba ito? Bakit parang ang tamlay niya? Sinapo ko ang noo niya ngunit hindi naman siya mainit. Pinalis niya agad ang palad kong nakadapo sa noo niya at pilit na nginitian ako.

Problema ng isang 'to?

Tinitigan niya ako ng matagal. May problema talaga eh.

I cupped her face.

“Hey, what's the matter? Bakit ang tamlay mo?” tanong ko sa kanya. Umiling siya ng marahan.

“Nah. Sige na, umalis ka na. Malate ka pa sa work mo. Ingat.”

Walang nagawang sinunod ko na lang siya. Hayy. Nakakapaisip naman si Wicked Princess oh. Ayokong nakikita siyang ganun. Kasi... kung ano ano ang naiisip ko eh...

Nah. Wala 'yun.

Wala lang siguro siya sa mood ngayon. Ganun naman minsan ang mga babae diba? May mood swings. Wala 'yun. Hindi 'yun masyadong importante. Mamaya ko na lang siya lambingin ulit gabi.

Mabilis ding nakarating ako sa office. Wala naman si Dad. Mabuti naman. Hehe. Grabe kasi eh, this past few weeks, ang dami niyang pinagawa at pinahawakang projects sa akin. Preparation na raw 'yun para kapag nagbitiw na siya sa pwesto bilang President nung company ay alam ko na kung anong gagawin ko. Leche eh. I took up Management naman so may alam naman na ako. Isa pa, hindi naman na ako bago sa kompanyang 'yun. Matanda na rin naman ako. Alam ko na kung paano umakto. Gusto lang siguro talaga akong pahirapan ni Dad. Alam ninyo na. Kahit naman daw maayos na kami ni Cassandra ay hindi raw niya basta bastang makakalimutan ang ginawa ko sa asawa ko. Hindi raw nila ako pinalaking demonyo. Hayy. Hindi pa pala tapos sa demon issue na 'yun. Past is past. Hindi ko na 'yun mababago, alam ko. Pero paano kami makakamove on lahat kung nabubuhay pa rin kami sa past? Haha. Ang labo ko. Si Dad kasi eh. Hindi makamove on. Sa twing nakikita raw niya ako ay naaalala niya 'yung mga pinaggagawa ko kay Cassandra. Kahit hindi naman niya nasaksihan talaga.

Sising sisi na nga ako eh. Kinain na nga ako ng konsensiya at guilt ko.

Pasalamat daw ako at minahal ako ng sobra ni Cassandra. Kasi kung ibang babae raw 'yun eh baka hindi na 'yun nakatagal sa piling ko.

Oo, alam ko. Sobrang swerte ko nga at minahal ako ng isang Cassandra Nicole Mich sa buong buhay ko. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para masuklian 'yun. O kung hindi, ay mahigitan pa. Gusto kong maramdaman niyang mas mahal ko siya.

Alam kong 'yun ang deserve ni Cassandra. Ang mahalin ng sobra sobra.

Ay, takte. Ang drama ko. Kulang na lang eh umiyak ako dito sa office ko. Nakakabwisit din palang isipin si Dad 'no?

Umupo na ako sa swivel chair ko at nagpahinga ng kaunti. Iniisip ko pa rin kung bakit ang tamlay ni Cassandra kanina. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at d-in-ial ang number niya. Sinagot naman niya sa ikatlong ring.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon