Chapter 37

156K 1.1K 144
                                    

CHAPTER 37

- CASSANDRA -

Iniwan ko na ang tatlong gunggong sa sala at pinuntahan ang mga nilalabhan ko. Grabe, hindi ko pa rin talaga ma-take ang mga kalokohan ng tatlong 'yun eh. No wonder, mag-b-best friends nga sila. Ang saya nila panoorin habang nagkakatuwaan eh.

Dinalhan ko lang talaga sila ng makakain kasi alam kong boy talk naman sila. Baka pati mailang lang si Ace kung makikijoin ako sa kanila. Isa pa, may nilalabhan nga ako.

Rinig na rinig ko mula dito sa laundry room ang hagakhak ni Raymer. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakakalog. Pero siya rin naman ang pinakamatino at seryoso. Walking contradiction ang lalaking 'yan. He could be the most annoying guy one time, and the sweetest at another. Osige na, ibinebenta ko na si Raymer. Sa kanilang tatlo rin kasi, siya na lang itong walang asawa. Balita ko nga, wala ring girlfriend ang isang 'yun eh. Nasabi na niya minsan sa akin na hindi pa raw dumarating 'yung right girl niya. Hayy. Kung anuman ang trip niya sa buhay, bahala na siya. Isa pa, wala naman akong pakialam dun. Kung masaya naman siya, edi go.

Sinilip ko sila mula dito sa kinatatayuan ko at natutop ko na lang ang bibig ko para walang kumawalang tunog. Pero gustong gusto ko nang tumawa. Kaya naman pala abot hanggang dito ang halakhak ni Raymer, pinag-t-tripan kasi nila ang asawa ko. Oh, my poor hunky husband. Para kasing kamatis sa pula ang mga pisngi eh. Hahaha!

Napalundag ako nang marinig ko ang pag-click! nung washing machine. Ibig sabihin, tapos na 'yung nilalabhan ko. Agad ko namang nilapitan 'yun at hinango ang mga damit. Binanlawan ko na rin at tsaka naman idineretso sa dryer. Lol. Ganyan ako maglaba. Napakasipag.

Tahimik na ginagawa ko iyon nang biglang may nanggulat sa akin. Napalundag ako dahil doon.

“HI BAKLA!” nasapo ko ang dibdib ko dahil sa biglaang pagsasalita ni Gio. Nakayakap pa siya sa akin. Hinarap ko siya pagkaraan at tinanggal ang mga brasong nakapulupot sa bewang ko. Agad naman siyang lumayo sa akin.

“Ew. Don't touch me. May sabon ka pa oh.”

“Arte mo! Bakit ka nandito?” nakakagulat naman talaga. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya eh.

“Wala lang. Binibisita ko lang ang asawa mo. Bakit, may say ka roon?” mataray at nakataas ang kilay na sagot niya sa akin. Bruhilda talaga.

“Naku, Gio! Kilabutan ka nga! Sayang ang lahi mo 'te.”

“Okay lang masayang ang lahi ko. Basta 'wag lang akong mapunta sa Jennifer na iyon.” nakakunot ang noong tugon niya sa akin. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Bakit naman napunta kay Jennifer ang usapan? Ano naman ang connect nun? Hindi kaya......?

HAHA!

Nasamid ako. Geez. Ako na ang pinakamasayang best friend kapag nangyari ang bagay na iniisip ko.

“Ehem... O—kay. So bakit ka nga nandito?”

Natatarantang tiningnan niya lang ako.

“Ah... eh... binibisita ko si Papa Raymer! Tama... 'yun nga.” hmm. May kakaiba kay Gio. Hindi ko lang maisip kung ano.

Pero ano raw? Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Kailan mo pa naging Papa si Raymer? Huy, Gio! Kilabutan ka nga!”

“Bakit? Anong masama? Single naman kami parehas ni Papa Raymer ah.”

Leche. Kinikilabutan ako sa sinasabing ito ni Gio eh. Ayoko ng ganitong usapan. Oo, alam ko namang bakla siya pero nakakakilabot pa ring malamang nanlalalaki siya. Geez.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon