ACE & CASSANDRA: After All (Anniversary Special Chapter)

143K 1.6K 579
                                    

Hi Craps! Wala lang po. Special lang po ang araw na ito para sa akin at para sa ating lahat. Lalo na po kay Ace at Cassandra. Bakit? Anniversary po kasi nilang dalawa ngayon! At 1st birthday din po ng Twisted Marriage dito sa mundo ng Wattpad! Yay! Kaya bilang pasasalamat sa inyong lahat, muli ko pong binubuhay sa inyo si Cassandra at Ace. Well, si Cassandra lang technically. Lol. Enjoy!

PS, this is NOT the epilogue. Epilogue's private, ayt?

**

- CASSANDRA -

It has been two years since my life left me.

Lahat ng tao sa paligid ko—sina Jimmy, Janine, Jennifer, Gio, Raymer, and even Sandro... our only child—sinasabing magmove on na ako sa pagkawala niya. Pero bakit gano'n? Bakit hindi ko kaya? Bakit ang hirap tanggapin? Pakiramdam ko kasi ay buhay na buhay pa rin siya. Ramdam ko pa rin ang presensiya niya. Hinding hindi ko siya kayang bitawan. Abutin man ako ng isandaang taon ng buhay ko.

Ace... Hunky Husband... Why too sudden? Nasaan na ang pangako mong habambuhay? Nasaan na 'yong sabay tayong mamamatay? Nasaan ka na?

Hello?”

Hello, Miss? Miss? Asawa ninyo po ba si Mister Ace Salvacion?”

Ah, yes, asawa nga niya ito. Sino sila?”

Concerned citizen Miss. Punta ka po sa Ospi Hospital, dadalhin na po namin ang asawa ninyo doon.”

Ha? Teka, ano bang nangyayari?”

Miss, your husband's car was hit by a truck po. And he's badly damaged. Baka po hindi na siya umabot kaya nagmamadali na po kaming dalhin siya sa ospital. Kita na lang po tayo doon.”

That phone call. That one phone call that changed everything for the rest of my life.

Nang mga panahong iyon, nawalan ako ng kakayahang magsalita, kumilos, at makaramdam. Iisa lang ang nasa isip ko noon: Ace. Anong nangyari sa'yo? Isa na naman ba ito sa mga pakulo mo? Promise, kung magkagayon man, hindi talaga nakakatuwa! Alam na alam niyang napakasensitive ko kapag mga ganitong bagay ang pinag-uusapan tapos magbibiro pa siya ng ganito?

A part of me is hoping... that it was all a joke. After all, nabanggit sa akin ng anak naming may kinukuha raw si Ace kaya hindi pa siya umuuwi. 'Yong surprise daw niya para sa akin. Sana... parte lang 'to ng surprise niya. Sana...

Napapikit ako habang patuloy sa pag-agos ang mga alaala ng masakit na nakaraan. Dalawang taon. God.

Grabe, dead on arrival daw eh.”

Oo nga, ano ngang pangalan noon?”

Salvacion eh. Ace Salvacion yata.”

Oh God. No. Please stop, ayoko nang maalala. Masakit. Sobrang masakit. God, help me make it stop. Ayoko na. Pagod na akong umiyak.

Tell me thats not him! Tell me!”

Wait here Cassandra, I'll talk to some doctors.”

No! That's not him! Kapangalan lang niya 'yon! On the way na siya pabalik ng mansion, right baby? You told me your dad is on his way na. Hinahanda lang niya ang surprise niya para sa akin. Diba baby?”

Cassandra, puntahan mo na siya.”

No! Hindi siya 'yon. Bakit ko siya pupuntahan?”

Bakit ganito? Pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat ng ito. Hindi pa rin lubusang naghihilom ang sugat na idinulot ng pagkawala ni Ace. Hinding hindi na nga yata talaga ako makakarecover nito. I'm getting worse.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon