Chapter 29

182K 1.5K 216
                                    

CHAPTER 29

- ACE -

  

Maaga akong gumising. Gusto ko kasi, ako ang mabungaran ni Cassandra sa pagmulat niya ng mga mata. Nasabi na rin sa'kin nina Pa na sorpresahin ko raw si Cassandra dahil hindi nito alam na pumayag sila na ibalik siya sa akin.

Paniguradong matutuwa ang witch nito.

Sa totoo lang, naeexcite na kinakabahan rin ako eh. Hindi ko lang talaga alam kung bakit.

Bumangon na ako sa kama at masiglang nagluto ng breakfast ko. Oo, natuto na akong magluto. Lol. Marunong naman talaga ako, pinapaubaya ko lang talaga kay Cassandra ang lahat ng gawaing bahay dahil siya naman itong babae. Isa pa, mas masarap siyang magluto. Masakit mang tanggapin.

Sa sobrang katuwaan ko, napadami ang gawa kong pancakes. Ah, okay lang 'to. Kaya ko namang ubusin lahat. Nag-shake na rin ako ng fresh mango at solve na ang agahan ko.

May ngiti sa mga labing umalis ako ng mansion at dumiretso sa ospital.

Pagkarating doon, agad akong binati ng receptionist na halatang may gusto sa akin. Sa araw araw na pagbisita ko rito, hindi na mahirap hulaan 'yun. Isa pa, obvious na obvious na siya. Kung gagu pa rin ako, baka nakipagharutan na ako sa kanya at kinuha ang cellphone number niya. Pero hindi eh. Oo, gagu pa rin naman ako. Hindi na 'yun maiaalis sa akin. Pero sinusubukan ko nang magbago. Paunti unti. At mukha namang improving ako.

Hindi na ako lumapit sa kanya kasi alam ko na naman ang room ni Cassandra eh. Nang lumampas nga ako sa kanya, nakita ko pang sumimangot siya. Sorry na lang sa kanya.

Nasa tapat na ako ng room ni Cassandra at akmang pipihitin na ang knob pero natigilan ako.

Bigla akong naconscious sa hitsura ko. Bakit ba hindi ako tumingin sa salamin kanina? Nakapagsuklay ba ako ng maayos? Fresh ba ang mukha ko? Hindi ba ako bad breath? Ah leche. Nahihiya ako.

Gagu. Kung ano anong naiisip ko eh. Mga walang kwenta naman.

Umiling na lang ako at pinihit na ang knob. Pagbukas ng pinto, nagulat na lang ako nang makita kong nakaupo si Gio sa upuan sa gilid ni Cassandra. Hinihintay niya sigurong magising.

Ah, takte. Kung hindi ko pa alam na bakla ang isang 'to, baka nagalit na naman ako.

Buti na lang hindi pa nagigising si Cassandra. Diba nga? Ako dapat ang una niyang makikita paggising niya eh. Oo na, ang childish na. Pero anong magagawa ninyo? 'Yun ang gusto ko eh. Simpleng bagay lang 'yun pero alam kong makakapagpasaya 'yun ng sobra kay Cassandra.

Naaasiwa akong hindi na Witch ang tawag ko sa kanya.

Witch na lang kaya ulit? Hmm.

Awkward na nakatayo lang ako sa may entrada ng kwarto ni Cassandra. Napatingin naman agad si Gio sa akin. Agad din siyang tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

Nang makalapit na siya, sinukat niya ako ng tingin niya. Takte, bakit parang iba ang naiisip ko sa paraan ng pagtitig niya? Bakit imbes na matakot ako eh, kinikilabutan ako? May balak ba itong manyakin ako?

Grabe, dapat pala hindi ko na lang nalaman na bakla ang isang 'to. Nakakakilabot eh. Kung ano anong naiisip ko.

“Ace.” sabi niya sa baritonong boses. Grabe talaga, kung hindi lang talaga nila sinabing bakla 'to, hindi talaga ako maniniwala eh. Hindi naman kasi halata sa hitsura at porma niya. Maging sa pananalita. Lalaking lalaki eh. Para ngang si Ian Somerhalder 'to eh. XD

Napalunok na lang ako at napakurap na rin.

“Alam ko kung anong iniisip mo. Umayos ka nga.” dugtong niya sa sinabi niya.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon