Chapter 26

197K 1.6K 235
                                    

I can't promise you guys that ALL of my updates will be worth the read. Pero susubukan kong bumawi dun sa mga essential scenes. You know, me being crappy and all. Chot.

**

CHAPTER 26

- ACE -

Ah, hell!

Ako dapat 'yung nandun eh. 'Yung katabi dapat ni Cassandra. 'Yung hahawak sa kamay niya. 'Yung kakausap sa kanya. 'Yung maghihintay sa paggising niya.

AKO DAPAT.

Pero hindi eh.

Naunahan ako.

Siguro... kung hindi ako naging gagu, hindi sana magkakaganito ang sitwasyon... Siguro, kung nakinig ako kay Cassandra at hindi ko siya pinangunahan ng kamao ko, naintindihan ko sana siya. Siguro... kung hindi ako nagselos agad, hindi sana ako asiwa kay Gio ngayon.

Pero gagu ako eh... so nagkanda leche leche na tayo.

I'm starting to feel something scary towards Cassandra. And I hate it. Ayokong i-entertain ang ganoong klase ng feelings. Natatakot ako sa possibilities. What if... hindi na siya magising? Paano na itong nararamdaman ko diba?

Tsaka...

Hindi pa rin naman ako sigurado kung totoo na itong nararamdaman ko. I'm still weighing on the situation. Hindi porke nasa bingit na ng kamatayan ang asawa ko eh bigla bigla ko na lang mararamdaman ito sa kanya. No. Walang sense 'yun.

Siguro... naaawa lang ako at na-g-guilty.

Tama... 'yun lang siguro 'yun.

SA NGAYON.

**

- JENNIFER -

Eksaktong 1 week na ngayon ng pagkakacoma ni Sandy. Still, wala pa ring sign na magigising na siya. Takte 'to. Siguro sinasadya ng tadhana na paglaruan kami kasi nga inaanticipate na namin ang paggising niya eh. Siguro kung hinahayaan lang naming mamahinga si Sandy, baka nung minsan pa siya nagising.

Hayy. Kaka-frustrate na.

After nung incident nung minsan na nakita ko ngang sumilip si Ace dito sa room ni Sandy, nakikita ko na ulit siya sa ospital... Pero hindi na siya lumalapit sa room ni Cassandra. Pero sapat na 'yun para mapangiti ako. Gustong bisitahin ni Ace si Sandy pero hindi lang siya magkaroon ng lakas para gawin 'yun.

Isa na siguro sa dahilan si Gio.

Oh well, kasalanan niya naman. Kung bakit ba kasi nagselos? Hindi ba nagtanong muna kung beki ba si Gio diba? Siyanga pala, di nga naman halata kay Gio ang tunay na pagkatao niya. Nakakaloka. Kung nakinig sana siya sa eksplanasyon ni Sandy, nagkaayos sana sila. Hindi niya sana mabubugbog si bestie at hindi rin sana 'yun malalaman ng parents ni Sandy. Hindi sana sila paghihiwalayin pero ang ending... Sa ospital pa rin ang bagsak ni Sandy. Pero at least, si Ace ang magdadala kay Sandy sa ospital diba? Hindi siya mahihirapan ngayon sa pagbisita sa asawa niya.

Hayy. Kaka-frustrate na talaga.

May isa pa akong problema eh.

'Yun nga ay 'yung paghaharap ulit namin ni Ace. Alam ko, hindi ko siya habambuhay na maiiwasan at mapagtataguan pero hanggang kaya ng powers ko... Gora! Natatakot pa rin ako eh. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya... Kung... nakamove on na ba siya sa akin o ano?

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon