Chapter 10

224K 2K 304
                                    

CHAPTER 10

- ACE -

Maaga akong umuwi ngayon dahil nawala ako sa mood gumimik. Paano ba kasi, diba naglunch nga kami ni Jen at before pa 'yun, may nakasalubong pa akong baliw sa daan na sinampal ako at sinapak for no reason at all. Creepy. Kaya ayun, badtrip ako nung nag-l-lunch kami ni Jen at ang isang 'yun naman, sumabay pa sa init ng ulo ko. Tanong ng tanong about Cassandra eh narinig naman niya malinaw ang pagkakasabi ko nun. Cassandra is my wife. Ayaw akong tantanan!

Gusto raw niya maging kabit. Hanep din ang isang 'yun. Isikreto na lang daw namin sa asawa ko na may relasyon kami. Lol. Papatawa siya? Hindi ko naman na kailangang magsikreto sa babaeng 'yun. Alam nun lahat ng babaeng nakalantari ko.

Okay, tama na ang usapang Jen. Nababarino lang ako. Mas nag-iinit ang dugo ko sa kanya kesa sa Witch na 'yun eh.

Pinasok ko na sa garahe 'yung kotse ko nang mapansin kong may isang kotse pang nakaparke malapit sa pinagpaparkan ko. Dahil medyo madilim na, hindi ko na maaninag kung anong kotse ba 'yun.

May bisita kami? Sino kaya?

Nagdiretso na lang ako sa front door at binuksan ang pinto.

“CASSAN--”

“--dra.”napatigil ako sa pagsigaw ko nang mamataan ko sa sala ang mga biyenan ko. Nakatitig sila parehas sa akin. So sila pala ang bisita. Hindi man lang nagpasabi na bibisita sila.

Lalapit na sana ako sa kanila nang bigla akong higitin sa kwelyo ni Pa at bigyan ng isang malutong na suntok sa mukha. Napa-aw shit man! Ako sa intensity ng suntok. Grabe, kahit umeedad na itong si Pa, ang lakas pa rin eh. Daig pa rin ako.

Medyo nahilo pa nga ako buti hindi naman ako natumba. Napahawak lang ako dun sa gilid nung center table. Umayos naman agad ako ng tayo at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. Shit man. Pumutok pa nga ang labi ko. Ayos 'to!

“Wow. Very cool way of greeting your son-in-law huh, Papa?” sabi ko kay Pa sabay ngisi pa. Actually, nagulat ako kung bakit ako sinuntok ni Papa. What could possibly be the reason? Ganun na ba magbatian ng manugang ngayon? Wow, cool. I like it.

Galit na niyukom ni Pa ang kamao niya. Nakita ko namang hinawakan siya ni Ma sa laylayan ng t-shirt niya. Pinipigilan yata or something. Ewan eh.

Teka... galit si Papa?

“Don't you smirk at me young man. Magbihis ka at mag-uusap tayo pagkatapos kumain.” 'yun lang ang sinabi niya at tinalikuran na nila ako.

O—kay? What was that?

Kahit labis na nagtataka pa rin ako eh sumunod na lang ako. Malaki pa rin naman ang respeto ko kina Pa at Ma eh. Umakyat na ako sa kwarto namin ng Witch at nagbihis. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko eh bumaba na ako at dumiretso sa hapagkainan.

Naabutan ko silang nakaupo na at parang hinihintay na lang ako. Okay, this is really awkward. Ang tahimik nila masyado.

Na-w-weirduhang umupo na lang din ako.

We just ate in silence. Akala ko ba mag-uusap? Oh right. After dinner pa nga pala. Sorry, atat lang. Tinitingnan ko minsan si Cassandra pero nakatungo lang siya. May mga pagkakataong nagkakahulihan kami ng tingin pero agad siyang magbabawi ng tingin niya.

Oh well. Kumain na lang tayo.

Pagkatapos kumain, tumayo na ako at pumuntang verandah. Magpapahangin lang saglit at magpapahindag na rin. Nang nakapagpahindag na ako, pumunta na ako sa sala kung saan naghihintay sa akin ang pamilya Mich.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon