Chapter 41

148K 1K 55
                                    

Pakibati ang TM. Ika-1 month na niya ngayon. Hahaha. Just give me two weeks, matatapos ko na 'to. 9 chapters na lang naman eh. >:D

**

CHAPTER 41

- CASSANDRA -

Alam ko, from the moment na tumayo at umalis si Gio, may problema sila ni Jennifer. Lalo lang tumibay ang hinala ko nang makaraan ang ilang minuto eh sumunod si Jennifer sa bruhang balahura. Hmm.

Ano kayang problema nila?

LQ?

HAHAHAHA.

Nagkaaminan naman na kaya?

Kinalabit ko si Ace. Tiningnan naman niya ako nang nagtataka.

“Ah... hunky husband... tingin mo... may problema kaya sina Gio at Jennifer?” puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya. Poker face lang naman siya. Bwisit itong asawa kong ito ah.

“Tingin ko? 'Wag ka nang makialam. Kung meron man, hayaan mo nang silang dalawa ang magresolba nun. Matatanda naman na sila, Wicked Princess.” pagkasabi niya nun eh masuyong hinawakan niya ako sa baba ko. Napapikit ako. Akala ko naman eh hahalikan na niya ako.

Bwisit!

Tinawanan lang ako eh! Bad hunky husband.

“Nakakarami ka na. Mamaya na ulit. Naadik ka na sa halik ko Wicked Princess.”

Ah, bwisit talaga! Pinagkakatuwaan ako ng isang 'to. Sorry naman 'no. Sabik na sabik lang talaga ako sa mga halik niya.

At tingnan mo nga naman... Pati itong sina Raymer at Jim nakitawa na rin! Bwisit talaga!

Sa halip na mabwisit na ako habambuhay... tumitingin tingin na lang ako sa direksyon ng verandah. Hindi kasi talaga ako mapakali eh. Alam ninyo na, best friendship ko kasi ang dalawang 'yun so kailangan di ako huli sa balita. Tama. Pupuntahan ko.

Lumingon ako kay hunky husband at nagulat akong nakatingin na pala siya sa akin.

“Wag mo nang ituloy. Dito ka lang.” pagbabanta niya.

BWISIT KA! HUNKY HUSBAND.

Makikiusyoso lang naman ng kaunti eh. Di naman ako mangingialam. Hu.

Nanghahaba ang ngusong humalukipkip na lang ako habang pinapanood ang tatlong gagung nagbibiruan at kung ano ano pang kagaguhang pinaggagagawa sa buhay nila.

“Arrrrgggggghhhhh!” nasabi ko bigla. Napatigil naman ang tatlong gagu at napatitig sa akin.

“Anong itini-tingin tingin ninyo? Ace, CR lang ako.” hindi ko na hinintay ang sagot niya at bigla na lang tumayo. Nakita ko namang tumango siya eh.

Hindi sa CR ang punta ako, buti na lang at hindi naman na ako sinundan ng tingin ng magaling kong asawa.

Andito ako sa malapit sa verandah at naaaninag ko na ang isang madramang scene. Nag-iiyakan sina Gio at Jennifer. Gee, sabi ko na eh, may problema sila. Bakit kaya hindi man lang nila sinabi sa akin? Grabe sila.

Nakakapagtampo.

Lumapit pa ako ng sobra. Buti naman at hindi nila ako pansin eh sa katunayan ay nasa likod lang nila ako. Pinagmamasdan ko lang sila at nagulat ako sa mga narinig ko.

“I love you, Jeng.”

SHIT.

Nanlaki ang mga mata ko roon.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon