Chapter 31

180K 1.3K 111
                                    

CHAPTER 31

 

- CASSANDRA -

Nagising ako sa tunog ng gitara. Mahina lang ang pagkakastrum ng chords, sapat na para manggising ng tulog. Sapat na para maalimpungatan ako.

Napaunat na lang ako ng mga braso ko at tumingin sa kabilang side ng kamang hinihigaan ko. Wala na si Ace. Nauna na siyang magising sa akin. Bakit hindi man lang niya ako ginising? Dati, tatadyakan pa ako nun para magising eh. Ayaw na ayaw nun na naaabutan pa akong nakahiga at natutulog sa kama. Gusto kasi nun, may luto na siyang breakfast pagmulat niya ng mga mata.

Pero bakit ngayon iba?

Akmang tatayo na ako mula sa pagkakahiga nang magulat ako sa nabungaran ko.

Si Ace...

Nasa harapan ko siya.

Nakaupo habang naggigitara.

So sa kanya pala galing 'yung tunog. Nanigas ako sa pwesto ko at napatitig na lang sa kanya. It's been two years mula nang marinig ko siyang tumugtog ulit. After kasi naming makasal, hindi na siya nagbanda pa. Nawalan na raw siya ng dahilan para tumugtog pa. Alam ko, ako na naman ang dahilan nun. Ako lang naman kasi ang nagpadilim sa makulay niyang buhay eh.

Napangiti ako ng mapait sa naisip ko.

“Hmm.. yeah, yeah...” panimula niya. Nakatitig lang siya sa akin na parang may nais siyang iparating. Hindi ko lang mawari kung ano 'yun.

Gahh. Simpleng pag-hmm pa lang 'yun... lalo ko siyang minamahal. What more kung kumanta na talaga siya diba?

Nakakainis.

Naiiyak na naman ako.

“Four letter word, but I don't have the guts to say it. Smile till it hurts, let's not make this complicated. We got a story and I'm about to change the ending. You're perfect for me, and more than just a friend so we can just stop pretending now. I gotta let you know somehow...”

Tumigil siya sa pagkanta at nagpatuloy lang sa pag-strum nung gitara. Nakayuko siya dun sa gitara niya. Tinitigan ko lang siya. Ang graceful niyang tumugtog. Napapangiti na lang talaga ako sa twing nakikita ko siyang ganito. Alam kong mahal niya ang musika eh. Mahal niya ang pagbabanda at ang sakit lang na ako pa ang nag-take away nun sa kanya.

Maya-maya pa eh tumigil siya sa pagtugtog. Ayy, 'yun na 'yun? Bakit hindi pa niya tinapos?

“Cassandra... alam kong napakakomplikado nitong buhay natin ngayon. Alam kong nagsimula ang kwento natin nung pinilit mo akong magpakasal sa'yo pero hindi ko hahayaang maging malungkot ang ending para sa ating dalawa. Gagawa tayo ng panibago nating ending. Hindi man natin mababago ang simula, magagawan naman natin ng paraan para hindi maging masakit ang ending natin diba?”

Tumango na lang ako kahit wala akong maintindihan sa sinasabi niya.

“At 'yung apat na letrang salitang 'yun... Cassandra... Hindi ko siya magawang masabi ngayon dahil alam kong hindi pa ito ang tamang panahon... Gusto ko, marinig mo 'yun mula sa akin kapag parehas na tayong handang tanggapin kung anuman itong nararamdaman ko sa'yo ngayon. Cassandra, I don't deserve that four-letter word from you pero ikaw... deserve na deserve mong masabihan ng ganun. And I'm sorry... Hindi ko man lang nagawang masabi sa'yo iyon noon. Pero hindi pa naman huli ang lahat diba? Masasabi ko pa sa'yo 'yun. At kapag nangyari 'yun, alam ko.. Sisiguruhin kong... Sigurado na ako sa nararamdaman ko.”

Ace...

Pinapaiyak mo naman ako eh.

Alam ko, hindi mo naman kailangang sabihin 'yun sa'kin eh. Hindi ko naman hinihiling sa'yo 'yun eh. Kusa kong ibinibigay sa'yo ang pagmamahal ko. Hindi ako humihingi ng kapalit. Mahal na mahal kita. Walang dahilan. Kusa ko lang 'yung naramdaman. Wag mo akong paiyakin ngayon!

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon