Chapter 48

139K 1.2K 193
                                    

CHAPTER 48

- CASSANDRA -

Nagmamadaling umalis ako ng bahay namin. As much as I want to crawl to my own bed and cry myself to sleep, pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong abalahin sina Dad. Sa mansion na ako uuwi. Dun naman ako nakatira diba? Isa pa, nasa bahay namin sina Ace. Alam kong kapag nanatili pa ako dun ay kakausapin lang nila ako. Ayoko. Gusto kong mapag-isa ngayon. 

Oo na. Alam ko, I ruined the night. I ruined my own birthday party. Pero diba? Hindi ko naman ginusto 'yun. Sana kasi nagsabi naman sila na may ganun silang pakulo sa akin.

Sana nagsabi man lang si Ace na aamin na siya sa akin.

Hindi ko inaasahan eh. I'm too preoccupied nung eksenang nasaksihan ko nung minsan sa mansion. Alam ko, I'm being unreasonable here. Alam kong wala 'yung malisya pero hindi ninyo maintindihan eh. Ako kasi 'yung nakakita. Alam ninyo ba 'yung feeling na nanonood ka ng movie tapos feel na feel mo 'yung characters kasi may chemistry sa pagitan nilang dalawa? Na may love na nag-s-surround sa kanila? Kahit sa totoong buhay, wala namang sila. Ganun ang naramdaman ko nung nakita ko silang magkayakap. Itanggi man nila sa sarili nila na hindi na nila mahal ang isa't isa, 'yung body language na nila ang nagsasalita para sa kanila. Na sila ang nararapat sa isa't isa. 

Na mali na pinilit ko ang sarili ko kay Ace.

Na mali na inagaw ko siya sa true love niya.

Na mali na mag-asam ako na kahit isang araw lang, mahalin din ako ni Ace.

He is doomed forever dahil sa'kin. Ang selfish ko kasi eh. Sarili ko lang ang iniisip ko. Oo, kaligayahan kong makapiling siya. Pero kabaligtaran naman nun ang para kay Ace. Hindi ko naisip na maaaring nasaktan ko siya basta ang alam ko sa akin na siya. Matututunan niya rin naman akong mahalin. Tapos ano? Iiwan ko rin naman siya. Short-term happiness ko lang 'yung inisip ko. Hindi ko naisip 'yung long-term. Paano kapag nilisan ko na ang mundong ito? Paano na si Ace? Paano kung mahal nga niya talaga ako? Anong mangyayari sa kanya? Malulungkot na naman siya! Bwisit. Ang tanga ko talaga!

Patuloy sa pag-agos ang mga luhang pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansion. Nagtatakang tinitingnan naman ako ni Manong Driver. Wala akong pakialam kung isipin niyang baliw ako dahil iyak ako ng iyak. Ang sama kasi ng pakiramdam ko eh. Ang sakit sa pusong marinig 'yun kay Ace. Akala ko dati kapag sinabihan niya ako nun, magiging masaya ako. I mean, 'yun 'yung tanging hiling ko eh. Ang mahalin din niya. Pero ngayong malinaw na sa akin ang sitwasyon, ang hirap tanggapin. Kasi alam kong mali. Hindi niya dapat ako mahalin kasi iiwan ko rin siya.

God. I'm really such a selfish creature.

“Miss. Ayoko sanang mangialam pero naaawa na po ako sa inyo, ano po bang problema ninyo? Pwede ninyo po akong kausapin. Mas makakagaan po sa pakiramdam ang nilalabas ang mga hinanakit ninyo.” Ay grabe itong si Manong ah. Nagawa pang umextra. Napatitig lang ako ng matagal sa kanya.

“Manong, tingin ninyo po ba mali 'yung naging desisyon ko?” Tanong ko sa kanya.

“Wala naman pong maling desisyon Miss. Sariling desisyon ninyo 'yan eh. Sariling kagustuhan ninyo. Nagiging mali lang 'yan kapag hindi kayo naging komportable. Kapag hindi kayo naging masaya sa napili ninyo.”

Napaisip naman ako sa sinabi ni Manong.

Maya-maya lang ay tumigil na sa tapat nung gate nung mansion 'yung taxi.

“Andito na po tayo Miss.” pukaw sa akin ni Manong Driver. Nginitian ko siya.

“Salamat po Manong.” Double meaning 'yun. Alam kong gets 'yun ni Manong kasi tumango siya sa akin.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon