Chapter 24

195K 1.6K 79
                                    

CHAPTER 24

- JENNIFER -

Ilang araw nang natutulog si Sandy pero hindi pa rin siya nagigising. Sabi ng doktor, katagalan na raw ang one week. Pero malapit nang mag-one week, bakit ni isang sign na gigising na siya eh wala? Kasi diba ganun 'yun. 'Pag malapit nang magising 'yung bida, it's either gagalaw 'yung kamay niya 'pag hinawakan mo or kukurap kurap 'yung mga mata.

Hinawakan na namin ni Gio nang sabay 'yung mga kamay niya, wala. No sign at all. Ang lalim pa rin ng tulog niya. Nananaginip pa siguro 'to.

Hulaan ko, si Ace pinapanaginipan nito.

Ganun din 'yun diba. Parang saying yata, kung panaginip ka lang, ayoko nang magising.

Tsk. Masama talagang impluwensiya si Ace kay Sandy eh. I wonder bakit mahal na mahal ng bruhang ito ang demonyong 'yon.

I really, really wonder.

Noong mga nakaraang araw, salitan kami ni Gio pagbabantay kay Sandy. May mga business rin naman kaming minemaintain eh. Tsaka si Tita rin. Ayaw niyang iwan ang tabi ni Sandy pero may edad na rin si Tita, mas masama kung pati siya napapagod. Alam ko, mommy siya ni Sandy pero diba? Andito naman kami eh. Babantayan naman namin ang anak niya. Baka kasi pati siya eh magkasakit na rin. Mas malungkot 'yun.

Nung isang araw lang din dumating si Tito. Halata mong pagod din siya sa byahe. Naaawa ako sa kanila eh. Halata mong concerned sila ng sobra sa anak nila. Siyempre, sino ba ang hindi?

Pagkadating na pagkadating ni Tito, humagulhol agad si Tita sa kanya. Niyakap lang niya si Tita at pilit pinatatahan. Gaya namin ni Gio, hinihintay lang naming magising si Sandy. We really need to talk to her. Ang labo ng mga pangyayari eh. Wala kaming maintindihan.

Lunch ngayon at bumisita ulit ako kay Sandy. May dala na rin akong fruits sa kanya since alam kong mahilig siya doon. Alam ko, walang kwenta kasi paano ba naman 'yun makakain ni Sandy ngayon, diba? Wala lang. Gusto ko lang magdala. Kakainin na lang siguro namin ni Gio 'yun mamaya.

Sabi ni Gio, bibisita rin daw siya ngayon. Pero baka maya-maya pa ang dating niya kaya nauna na ako. Sina Tita at Tito, pinagpahinga ko na lang muna. Stressful na nga ang business nila eh. Ayokong masyado silang nag-aalala kay Sandy. Malakas si Sandy at alam kong gigising din siya. Gaya nga ng sabi ni Gio nung minsan, 'wag daw naming iyakan masyado si Sandy na akala mo'y pinaglalamayan na namin siya. Masama raw 'yun. Kaya ayun, although nalulungkot pa rin ako... Pinipilit ko na lang magpakasaya para kay Sandy.

Pero mas nalulungkot ako kasi napatunayan kong walang pakialam si Ace kay Sandy. Grabe lang talaga. Ano bang klaseng nilalang ang isang 'yun? Bakit... ugh! Basta! Nakakainis siya! He really doesn't deserve this love na binibigay ni Sandy sa kanya eh!

Ayan... naiiyak na naman ako! Nakakafrustrate naman kasi! May mga panahong gusto ko nang patayin si Ace eh! Kung nakakapatay lang talaga ang isip, matagal ko na sanang inisip na pinapaslang ko ang hayop na nilalang na iyon.

Hinawakan ko ang kamay ni Sandy at nagsimulang kausapin siya.

“Sandy bestie... Naririnig mo 'ko? Alam ko naririnig mo 'ko. Ang ganda ko lang para hindi mo ako marinig.” natawa ako sa sarili kong joke.

“Bestie. Ba't ayaw mo pang gumising? Tagal mo nang natutulog. Enjoy much? Kainggit naman si bed, mas mahal mo pa yata siya kesa sa'min eh.” Sana tao na lang 'yung kama para 'yun na lang ang minahal ni bestie kesa kay Ace.

Hayy, nababaliw na ako.

“Alam mo ba, tinawagan ko si Jimmy, pinasabi ko sa kanya 'tong nangyayari sa'yo ngayon. Alam ko namang sasabihin din nun 'yun sa asawa mo eh. Hindi ko kasi matawagan directly si Ace eh. Alam mo na, nahihiya pa rin ako sa kanya. Pero alam mo ba bestie? Gumising ka na muna tsaka ko sasabihin.”

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon