Chapter 28

184K 1.4K 370
                                    

 CHAPTER 28

- CASSANDRA -

Pagod na ako.

Corny 'no? Kagigising ko lang from coma pero gusto ko na ulit matulog at magpahinga. Nakakasawa na kasing ipagpilitan ang gusto mo sa mga taong ayaw namang makinig sa'yo. Kung tutuusin, ang mga taong 'yun pa ang pinakamahahalaga sa buhay mo.

Akala ko ba mahal nila ako? Eh bakit simpleng hiling ko, hindi nila magawang ibigay sa akin.

Ano bang hindi nila naiintindihan sa sitwasyon? May malala akong sakit. Isa lang din naman ang patutunguhan ng lahat eh kahit pa magpatreatment ako. Kamatayan. 'Yun lang, kung magpapatreatment ako, mahihirapan pa ako. Gagastos pa sila. Mamamalagi ako sa hospital tapos hindi ko man lang makakasama si Ace.

Eh kung binabalik nila ako sa mansion? Mamamatay ako. Pero mamamatay akong masaya at at peace dahil kapiling ko naman ang asawa ko. Nararamdaman ko eh. Unti-unting lumalambot sa akin si Ace. Napansin ko 'yun sa paraan ng pagtitig niya sa akin kani-kanina lang bago niya tuluyang lisanin ang kwarto ko.

Alam ko, maliit na pag-asa lang 'yun pero pag-asa pa rin 'yun eh. Tsaka, di ko naman hinihiling na mahalin din ako ni Ace dahil malabo na 'yung mangyari sa ngayon. Hiling ko lang, sa kahuli hulihang hininga ko, siya ang makakasama ko. Mahal ko siya eh.

Tiningnan ko ang mga magulang ko nang buong paghihinagpis. Ang hirap ko raw intindihin pero sila naman itong hindi makaintindi.

“I just want to be with Ace. Dad, Mom... Ibalik ninyo na ako sa mansion.”

Napahilot ako sa sentido ko dahil sumasakit na rin ang ulo ko. Pagod na pagod na talaga ako. Gusto kong makatulog man lang. Kailangan ko ng lakas. Sabi nga ng doktor kanina, pagpahingahin daw ako before ako ilabas ng ospital. Sa tingin ko, ngayon ko na kailangan ang pahingang iyon.

Tinitigan lang nila ako.

Ha.

Wala kayong planong magsalita?

Bumuntong hininga ako. Wala na talaga. Oh sige na. Di na ako magpipilit.

“Fine. Hindi na ako magpipilit. Ayaw ninyong magpapilit eh. 'Yun na nga lang. Kaligayahan ko na nga lang, kukunin ninyo pa sa 'kin? Sige. Umalis na muna kayo, matutulog na ako. Sa bahay ninyo na ako iuwi bukas.”

Tatawag na lang siguro ako kay Ace para sabihing gusto kong makita siya. Siguro naman mapagbibigyan niya na ako. After all, mamamatay na rin naman ako eh.

**

 - AUTHOR -

“Fine. Hindi na ako magpipilit. Ayaw ninyong magpapilit eh. 'Yun na nga lang. Kaligayahan ko na nga lang, kukunin ninyo pa sa 'kin? Sige. Umalis na muna kayo, matutulog na ako. Sa bahay ninyo na ako iuwi bukas.”

Napabuntong hininga ang mag-asawang Mich sa sinabi ng nag-iisang anak nila. Naaawa sila kay Cassandra dahil sa inaasal nito ngunit wala naman silang magawa. Mahal nila ang anak nila at tanging nakabubuti lang para dito ang gusto nila.

Alam nilang ang ipaglayo ang mag-asawa ang nakabubuti para kay Cassandra. Sino bang magulang ang gustong nakikita ang anak nila na binababoy at sinasaktan lang ng kung sino sino? Lalong lalo na ng sariling asawa nito? Hindi naman nila pinalaki si Cassandra para gawing punching bag lang. Masyado nilang mahal ang anak para ipagsawalang bahala lang iyon.

Alam nilang mabuting bata si Ace kaya laking gulat na lang talaga nila nang malaman ang karumal dumal na ginagawa nito sa anak nila. Hindi nila maintindihan kung paanong nagagawa ito ni Ace kay Cassandra. Kaya kahit gaano pa kamahal ng anak nila si Ace, napagdesisyunan nilang paghiwalayin na ang mga ito.

Twisted Marriage (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon