Chapter 37 - Unanswered Turns

261 10 7
                                    

Michy Angel

Maaga akong lumabas ng bahay para na rin makapag-stay ng matagal-tagal sa Café Bonita. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nandoon ako ay kalmado ang buong sistema ko.

Wala pang tao ng makarating ako ro'n. Mukhang kabubukas lang din nila.

"Good morning Maia. Dark Mocha Cappuccino ako ngayon." Inalis ko ang shades na suot ko saka ko tinitigan si Maia na nakangiti na pala sa akin kaya nginitian ko siya.

"Lagi kang naka-shades kapag umaga ano? Bampira ka lang Miss Michy?" Bahagya siyang tumawa na lalong nagpalabas ng ganda niya.

I playfully rolled my eyes and smiled. Napapalibutan na talaga ako ng mga loka-lokang babae.

"Good morning Maia! Same order!" Bulalas ng isang babae. Si Light. Speaking of loka-loka. Bumaling siya sa'kin. "Good morning Miss Michy," nakangiting bati niya na animo'y walang tatrabahuhin mamaya.

"Good morning Light," nakangiting bati ko sa kanya.

"Upo na muna kayo, mamaya pa 'to," rinig kong sabi ni Maia sa'min kaya naman nauna na akong naglakad at umupo sa stool sa may bar counter. Nakita kong sumunod si Light ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya.

Nang ilabas ko ang phone ko ay agad kong ini-open ang email ko.

24 Unread Messages

Mas lalo atang dumami ang trabaho ko mula nang magbalik si kuya Damon. Puro galing ang messages na 'yon sa kanya at halatang puro attached files ang mga nandoon. Napailing ako at napa-buntong hininga. Gustuhin ko mang magbakasyon sana ay hindi ako pinayagan nina Mama at Papa, lalo na ni kuya Damon.

1 Message Received

From: Russo

Good morning. I'll pick you up later. Lunch tayo. Keep safe.

Napakagat ako sa labi at pilit na itinago ang nagbabadyang ngiti sa labi ko. Gamit ang hintuturo kong daliri ay iniharang ko 'yon doon.

Napapadalas ang labas namin ni Russo para kumain ng lunch. Parehas kaming tahimik sa tuwing magsasama kami at ramdam ang pagka-ilang sa isa't isa.

The words we couldn't say; the thoughts we couldn't express. The hands that didn't touch; we're both becoming stiff; that feeling when you can't hardly breathe? Yes. Most of the time.

Ngunit hindi ko maitatangging gusto ko siyang makasama kahit pa ganoon lang kami sa isa't isa.

Bakit ba napakahirap magsalita kapag magkasama kami?

"Love. . . Oh love! Yes love! My dearest love! Roses are red. . ." Napaligon ako sa nagsasalita. Si Steph. Umiikot ikot ito habang papasok ng café na kala mo naglalakad sa ulap. "Violets are blue. Sugar is so sweet, and so are you. My heart is beating so fast! So fast that -- aray!"

Binato ko lang naman siya ng plastic spoon. Ayon, sapul sa noo niya. Nakangusong lumapit siya sa'kin saka niya ako niyakap na ikinagulat ko.

"Oh cousin! I love you cousin! Oh my gosh! Ang ganda ng pinsan ko!" Bulalas niya na animo'y kilig na kilig habang tinatawag akong cousin.

Isa-isa kong tinanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin habang sina Maia at Light naman ay naririnig kong tumatawa.

Kung loka-loka na 'yang dalawang 'yan ay mas loka-loka 'tong babaeng 'to.

Sinamaan ko siya ng tingin. "What are you talking about?"

Stephanie giggled. Dinaig pa ang high schooler nang kiligin siya na kala mo walang bukas. Impit pa siyang tumili habang nakahawak sa magkabilang pisngi.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon