Chapter 19 - Itchy, Sexy, Bitchy Night

371 16 6
                                    

Maia

"Ang totoo Sir, balak mo pa ba ako'ng pauwiin ng may dignidad o hindi?" busangot ang mukhang tanong ko kay Ichiro habang isinasara ng isang kamay ang pintuan ng silid na nakatalaga sa akin. Nang sabihin ni Sir Kazuya na "pack light" ay naisip ko nang siya na ang bahala sa damit na susuotin ko para sa gabing ito pero hindi ko inasahan na ganito ka-eskandaloso ang taste ni ahit-kilay!

Ikaw ba naman ang pagsuutin niya ng Chanel LBD na lace, pati ang underwear na kapares ng damit ay lace din. Strappy Manolo Blahnik sandals din ang kasama, sapat na sana iyon para matuwa ako pero hindi eh. Paano niya nalaman ang size ko? Lalo na ang panloob. Que barbaridad! Pakiramdam ko tuloy habang suot ko ang damit na pinili ni Sir Kazuya ay hubad ako.

"Why?" takang tanong ni ahit-kilay. Hindi ako sumagot, bagkus ay iminuwestra ko ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa para maipaintindi sa kanya kung ano ang ibig kong sabihin. "I don't see any problem with your dress. If my opinion counts, I must say you look smashing."

Napatigil ako nang marinig iyon. Kahit na asiwa sa suot ko ay pumalakpak ang mahadera kong mga tainga sa narinig mula sa isang nilalang na biniyayaan ng mukha at tindig ng Maykapal. Umilap ang mga mata ko, hindi alam kung saan titingin at nadikit na rin sa door knob ang kamay ko kaya hindi makabitaw. Parang isang eksena sa pelikulang na-freeze sa TV ang drama ko. Hindi makapag-move on. Leche.

"My face is here," turo ni Ichiro sa mukha niya. Automatic na tumingin ako sa kanya para lang mayanig ng bongga nang kindatan niya ako. Wala na, nag-riot na ang left and right chamber ng puso ko. Hindi magkasundo kung saang direksyon dapat dadaloy ang dugo ko sa katawan.

Why so guwapo kasi! Nakakaiyak na nga ang kaguwapuhan, lalandiin ka pa.

"Tara na nga!" Nag-iinit ang mukhang nagpatiuna ako ng lakad para lang matigil dahil hinuli ni Ichiro ang braso ko.

"May kulang," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Oo may kulang nga, kulang ang lace para itago sa imahinasyon kung ano ang suot kong underwear!"

Hindi siya kumibo, umangat ang kanang braso nito at inabot ang buhok kong nakaipon sa isang neat bun sa likod. Isang hatak lang at nagsitalsikan ang mga hairpins at sumabog ang buhok ko.

"There. Wear your hair like that. Wild and unrestrained."

Oo ka na lang Maia kung ayaw mong ma-headline ka bukas. Virgin Barista ng Cafe Bonita: Namatay sa kakapusan ng oxygen nang kindatan ng boss!

"And now ladies and gentlemen, let's hear a few words from Mr. Oliver Mendez of Mendez Group, our host for tonight." Umalingawngaw ang boses ng emcee sa buong hall at nakita ko ang pagtayo ng isang lalaking puro pati na ang buhok mula sa isang mesa sa may di kalayuan sa amin. Saglit nitong inilibot ang tingin sa paligid na parang may hinahanap. Natigil ang mga mata nito sa mesa namin, kay Sir Ichiro nakatingin. Pagkatapos ay umakyat na ito sa stage.

"It's suffocating in here. I need to get some air outside," bulong ni Sir Kazuya sa akin. Hindi na din naman niya hinintay na sumagot ako basta na lang tumayo at umalis. Natatarantang tumayo na rin ako at sumunod.

Walang masyadong tao sa labas, naglakad-lakad kaming walang kibuan ni Sir Kazuya. Ang amoy ng tubig-dagat na sumasama sa mabining hampas ng hangin, ang ingay ng nag-uunahang alon sa dalampasigan, ang kislap ng mga nagkalat na ilaw at saliw na awitin mula sa gathering hall, lahat ng iyon ay parang symphony na nagbibigay ng masarap na pakiramdam. Isama mo pa ang mabangong katabi mo, ay naku. Kanya-kanyang split at piroutte ang malalanding nerves ko sa katawan.

Feel na feel ko ang moment nang pareho kaming napatigil nang marinig ang isang boses ng babae na nakikipagtalo. Pamilyar ang timbre ng boses nito pero hindi ko matandaan kung sino ang may-ari. Pareho kaming napatingin ni Ichiro sa isa't-isa at sabay ding nagkibit-balikat. "Doon tayo. Nakakahiya baka isipin nila nakikiusyoso tayo dito." Hinatak ko ang manggas ng suit niya.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon