Chapter 13 - My Weakness

387 19 20
                                    

Michy Angel

Pagbaba ko ng sasakyan ay malakas na ihip ng hangin ang humampas sa mukha ko. Napapikit ako at inimaoy ang napaka-preskong hangin ng lugar na iyon. Malayo sa kabihisnan sabi nga nila, pero hindi naman ganoon kakonti ang populasyon.

"We'll meet Russo later Angel. Sa dinner. Ikaw daw ang magluto. That's his request," pukaw sa akin ni Kuya.

Inirapan ko siya saka ako naglakad palayo. "In his face! Imma stay in my room! Kung gusto niyang kumain, kainin niya kung anong nasa mesa mamaya!" Sigaw ko. "Demanding! Kahit kailan talaga, 'di pa rin nagbabago! Tch! Whatever," pabulong ko pang sabi habang papasok ng bahay na tutuluyan namin.

Bahay bakasyunan namin iyon kung tawagin. It's been years nang huli akong mapasyal dito. Dumiretso ako sa garden kung saan madalas akong tumabay noong kabataan ko, high school days.

Sa isang lumang duyan na gawa sa kawayan ako humiga at nagpahinga. Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang nakaraan.

My bittersweet memories.

"Russ, stop. Nakikiliti ako," suway ko kay Russo nang ilang beses niyang tusuk tusukin ang tagiliran ko gamit ang ilang daliri niya.

Nginisian niya akong tinitigan. "Then kiss me Angel, kiss me, or you'll kiss me. Choose. Kapag hindi mo ginawa, hindi kita susunduin para sa prom natin bukas," aniya dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Ah ganoon?! Fine! Leave me alone then," nakairap kong sabi sa kanya saka ako tumayo ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong kabigin pabalik.

"Seryoso ako, hindi ako pupunta."

Nakita ko ang biglang pagbabago ng mukha ni Russo. Kung kanina ay naglalambing ito, ngayon naman ay parang mangangain ng tao ang titig niya. Na kapag hindi mo sinunod ay hindi mo magugustuhan ang gagawin niya.

But those eyes made my heart skipped. Siya iyong tipong may mga matang tila nanghihipnotismo para sundin ang gusto niya. Mahina ako pagdating sa kanya at alam niya 'yan. Lalo na kapag sinimulan na nitong halikan ako sa noo, pisngi, at ilong.

"I just want you to kiss me Angel. Bakit ba parang napakahirap na gawin 'yon?" Bulong niya sa tenga ko.

"Na-Nahihiya kasi a-ako Russ," halos pabulong kong sabi.

I heard him chuckled. Maski ang pagtawa niya ay kaakit-akit. Nakakabaliw. Nakakalunod.

"Angel."

Agad akong nagmulat ng mga mata ko nang may marinig akong bumulong sa tenga ko. The voice was rough, and deep. A husky voice indeed.

Nang mag-angat ako ng paningin ay napakagat ako sa ibabang labi ko. Mataman kong tinitigan ang mukha na napakatagal ko ng hindi nakita.

He's tall, broad, had the perfect amount of stubble on his jawline, and those eyes were to-die for; deep brown and piercing. Then there was his hair, thick brown, and ideal for sliding fingers through. Crap!

His smoldering looks. . . Oh no. Stop staring Michy! Stop!

Ngunit hindi ko magawa. Ni ayaw kumurap ng mga mata ko para pigilan ang pagtitig sa kanya.

"Not satisfied yet? Hindi ka pa rin nagbabago," aniya saka siya lumayo.

Kinagat ko ang ibabang labi ko saka ako umayos ng upo. Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko dahilan para makaramdam ako ng pagka-ilang.

"Hanggang ngayon ba naman ganoon pa rin kalakas ang epekto ko sa'yo Angel?"

Nang sabihin niya iyon ay para akong sinampal ng sa katotohanang tama siya. Nag-angat ako ng paningin para salubungin ang mga titig niya. Pinanlisikan ko siya ng mga mata saka ako tumayo.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon