Chapter 22 - Then there was Red

315 13 4
                                    

Reina Light

"But—" magrereklamo pa sana ko. Ano ba naman yan. Siya ang boss ko diba? Paanong naging si Drexel na ngayon?

Dammit! I mumbled under my breath ng maramdaman ko na naman ang pananakit ng tiyan ko. Kanina pa talaga to humihilab sa di ko malamang dahilan, kumain naman na ko.

"No but's Light. You're a professional so act like one." Hinarap naman niya si Russo na mukhang naging buntot na ata nito. "I thought you're gonna go back where kuya's at?

"No. I'll stay here with you and make sure you'll behave yourself," sabi nitong nakataas ang kilay sabay talikod kay Michy. Nilingon ko si Ms. Michy pero nakaalis na rin ito.

Dammit talaga!

Palabas na rin sana ko ng Seaside Café and Restaurant ng makita ko sina Maia na palabas na rin. Kagabi ko pa nakumpirmang siya nga ang nakita ko noong nag-aalahigad si Toffer.

Kagabi. What a dramatic night!

Remembering last night brought frown to my face. Ugh! Sana talaga hindi ko nalang niyayang bumalik sa loob si Drexel eh. Sana nagstay nalang kami doon sa tabing dagat, kahit siguro magdamagan sasamahan ko siya.

"Let us all welcome, Mr. and Mrs. Young together with their only son, the fiancé of my daughter, Xavier!" kasabay ng announcement na iyon ang masigabong palakpakan ng mga tao. Pero ni hindi ko nagawang paglapatin ang mga kamay ko dahil sa biglaang tayo ni Drexel sa tabi ko na halos magpatumba ng upuan nito. Kasabay niyang tumayo yung manager ng Café Bonita, si Ichiro, kung tama ang pagkakaalala ko ng ipakilala kami kanina. Ganun din ang naging reaksyon ni Wade na nasa kabilang upuan namin kasama sina Ichiro. Nakatutok ang mata nila kay Drexel at hindi sa harap. Kanina nagkapag-usap na si Wade at Drexel tungkol sa naging issue sa damit ko, at para hindi na lumala pa ang away nila si Ichiro na ang pumagitna at sinabing sa table nalang nila umupo si Wade.

When Drexel made a move to step in front, Wade and Ichiro made a move too to our table. There was a tense and edgy feeling in the atmosphere. Sa sobrang kabang nararamdaman ko ni hindi ako makakilos sa inuupuan ko.

"What the!? Anong fiancé?!" sigaw ng isang boses na nagmumula sa likuran namin, nilingon ko siya pati ang reaksyon ni Olivia, pero hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nasa tatlong lalaki sa harap ko ako nag-focus.

"Drex, don't even think about it," pigil ni Wade habang hawak ng isang kamay nito ang balikat ng pinsan.

"As much as I want you to make a scene, don't" ani naman ni Ichiro na nakakrus ang dalawang kamay sa dibdib habang matamang nakatingin kay Drexel. He was intentionally blocking the view on the stage.

"Fuck off!" sigaw ni Drexel sabay piksi sa kamay ni Wade. Umikot ito at naglakad palabas, nang mapansin nitong nakasunod sa kanya ang dalawa ay lumingon ito ulit. "Don't fucking follow me, unless you have a death wish tonight!"

Pinanood ko lang itong lumabas ng hall. Aba! Ano naman kasing gagawin ko di ba? Pero bakit ganoon, feeling ko may nakatingin sakin. Tsaka ko lang napansin na mataman akong tinitignan ni Ichiro.

"What?"

"We can't leave him alone Reina. Baka kung anong gawin no'n." Ichiro said.

"At anong gusto mong gawin ko? Sundan ko si--."

"No! Bakit si Reina? Bakit hindi nalang si Maia ang pasunurin mo, tutal idea mo naman yan?" putol ni Wade sakin.

"Bakit ako nadamay diyan? Ayoko nga. Have you seen his eyes? That man's gonna kill the first soul he sees, and I don't want to be that poor soul."

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon