Chapter 32 - Torn

271 6 1
                                    

 Stephanie

Alam ko na kaya ako nandito sa Palawan ay para irepresent ang eskwelahan namin o kung anong cheche bureche chorvaness na kailangan kong malaman at idiscuss pero hindi ko inasahan na ang dami palang magaganap sa loob ng tatlong araw na pamamalagi ko dito.

I didn't expect to see Toffer here. Jusko! Kung alam ko lang noong una pa lang na makikita ko siya dito ay baka inilabas ko na lahat ng drama skills na nanunuot sa arteries at veins ko para lang iba na ang ipadala dito ni Sir Migz pero mukhang full of surprises talaga ang buhay kaya ayun, boom! Nagkita kami! At hindi lang basta nagkita. Nakakaloka! Kapag iniisip kong lahat ng nangyari for the past three days ay gusto kong pumunta sa dagat at lunurin ang sarili ko lalo yung nangyari kagabi.

I keep on evaluating myself last night about what I am feeling towards him. Ayaw kong isipin na bumalik ang kabaliwan ko sa kaniya dahil kapag nangyari yun, feeling ko ay ang landi kong nilalang. Inlove ako kay Xav tapos inlove din ako kay Toffer?! Edi ang landi ko nga!

"Steph, are you okay?" Hinawakan ni Toffer ang kamay ko na nakapatong sa hita ko kaya naman agad akong napalingon sa kaniya.

"Oo. Okay lang ako." Kumunot ang noo ni Toffer at alam kong nahahalata na niya ang pagiging awkward ko sa sitwasyon naming dalawa. Hindi ko talaga maiwasan ang mailang sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko o kaya naman ay niyayakap niya ako o kaya kapag bigla siyang sasapian ng kaluluwa ng nagmamatamis na mais at magbibitaw siya ng litanya niyang ang lakas maka-atake ng diabetes.

"Kailangan ko muna sigurong lumabas." Inialis ko ang pagkakahawak ni Toffer sa kamay ko. Hindi siya nagsalita kaya naman tumayo na ako. Habang naglalakad ako palabas ng hall ay narinig ko nang nagsalita si Mister Oliver pero nagpatuloy ako sa paglalakad palabas.

Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta. Basta lakad lang ako nang lakad. Tinanggal ko na ang suot kong heels at feel na feel ko ang malakas na hangin na inililipad ang buhok ko. Mukha na siguro akong bruha pero wapakels na ako sa ngayon.

Have you ever been in this situation whereas you don't know if you both love them or not? Noon, sabi ko sa sarili ko, isa lang ang puso natin kaya paniguradong, isa lang din dapat ang mahal natin. Kung ganito na nalilito ka, isa lang sa kanila ang mahal mo at yung isa ay attraction lang. Sa kanilang dalawa, hindi ko alam kung sino ba ang totoong mahal ko.

Ilang sandali kong tinitigan ang alon sa dagat. Umupo ako sa buhanginan at saka ako pumikit. Hindi ko alintana ang sikat ng araw na dumadampi sa balat ko. Tahimik ang paligid. Hampas lang ng alon ang tanging ingay na naririnig ko.

"Enjoying the sun?" someone said. Hindi ko iminulat ang mata ko pero napalunok ako pagkarinig ko pa lang sa boses niya. Xav. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero nanatili akong nakapikit at hindi nagsalita.

"Chicher," His voice sounds pleading. Pakiramdam ko, sa simpleng pagsabi niya no'n ay may kakaibang dumaloy sa bawat ugat ng katawan ko. Tipong kung kanina ay puro kalituhan ang naiisip ko, pero noong nagsalita siya ay parang bigla akong kumalma.

"I assume that you didn't hear the announcement made by Oliver Mendez," he said. Ano naman ang paki ko sa announcement na yun? May phobia na ako sa mga announcement na yan! Baka mamaya, ang inanounce pala ay bukas na ang kasal nila ni Olivia ay baka nag-split na ako sa hall!

"Ngayon ko lang narealize, masakit pala kapag hindi ka pinapansin ng taong pinaglalaanan mo ng buong atensyon mo." Sa sinabi niyang yun ay napamulat ako ng mga mata ko. Nakita ko siyang nakapikit pero nakangiti siya ngayon. Problema nito? Nakahithit ba 'to ng dragon katol?

"Chicher," Noong nakita ko na imumulat na niya ang mata niya ay ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

"You know what, stop closing your eyes. Hindi naman yan makakatulong sa sitwasyon natin." Sitwasyon? Ano bang sitwasyon meron kami? Since that day na hinalikan niya ako at inamin niyang mahal niya ako ay hindi ko alam ang sasabihin at gagawin ko so I just left him without saying any word.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon