Chapter 31 - Strawberries & Marshmallows [Part 1]

278 11 3
                                    

Maia

Sa tagal at dami ng iniyak ko sa harap ni Rui ay pakiramdam ko nangangapal na ang ilong ko sa salitang pasinga at pagpunas ng sipon. Ubos na rin ang tissue na binigay ni Rui, saglit niya ako'ng iniwan kanina at pagbalik niya may bitbit na siyang isang box na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Para kaming comic duo habang nakaupo sa isa sa mga cottage na nagkalat sa dalampasigan, siya tawang-tawa sa tuwing sumisinga ako habang walang tigil ang pagnguyngoy ko. Inambaan ko siyang hahampasin ng ngayon ay wala ng laman na tissue box.

"Stop crying for pete's sake! You're too funny to just ignore."

"Walanghiya ka rin eh no?" Naihampas ko na sa kanya ang tissue box, "Broken hearted ako, kailan pa naging nakakatawa iyon?" At sinundan ko pa ng ilang hampas pa ang balikat niya na mas lalo pa niyang ikinatawa. Wala na siyang mga mata sa tingin ko, magkakambal na slit na lang sa mukha niya ang nagsisilbing mata niya.

"Okay, okay! Stop hitting me. Geez!" Pigil ni Rui sa kamay ko. "It's just that I find your nose funny, you look like Rudolf."

Dali-daling tiningnan ko ang mukha ko kung totoo nga sa pamamagitan ng front camera ng cellphone ko. Ang saklap lang kasi nagsasabi si Rui ng totoo, mukhang busog na kamatis ang ilong ko sa pula. Sa nakita ay nanubig na naman ang mga mata ko, bigla ako'ng naawa sa sarili.

"Hey, I said stop that pity party." Masuyong pinahid ni Rui ng magkabilang hinlalaki ang bagong luhang naglandas sa pisngi ko.

"Bwisit kasi talaga 'yang amo natin, binasag na nga ang puso ko pinapapangit pa niya ako'ng lalo sa kakaiyak."

"You want me to hit him? I'll make him ugly too, if that's even possible with that face of his," ani Rui.

Napaisip ako sa sinabi niya. Si Ichiro na may black eye sa kaliwang mata, nangingitim ang pisngi at putok ang pang-ibabang labi na madalas niyang kagat kapag naiinis, sabog ang gilid ng ahit niyang kilay. Napangiwi ako sa visual na nabuo ng isip ko. Hindi ko yata keri na makita siyang ganoon kahit na niluray-luray niya ang self-confidence ko sa harap ng maraming tao.

Hindi kaya masokista ka na te? Sinaktan ka na at lahat-lahat, bagay lang iyon sa kanya para magtanda. Kagaling mag-advice kay Steph tapos siya ganito.

Wala ako'ng maisagot sa pang-ookray ng sarili kong isip. Sapul na sapol kasi. Napapiksi ako nang maramdamang may humahatak sa ilang hibla ng buhok ko sa harap. Naisip ko na naman si Ichiro, siya ang mahilig gumawa sa akin ng ganoon kaya wala sa loob na pinalis ko ang kamay ni Rui. Bumitaw nga siya pero kurot naman sa pisngi ko ang kapalit. "Ano ba? Masakit ha!" reklamo ko.

"You're cute," sabi ni Rui.

"Ikaw ang huwag pa-cute Miyamoto! Isa ka pa eh, baka mamaya niyan sa iyo na naman ako magkagusto sa mga paganyan-ganyan mo. Quota na ako sa mga paasang lalaki, lalo na sa mga Hapones!"

"Nah, looking at you right now I doubt that. There is no room for me in there," Itinuro niya ang tapat ng puso ko, "That baka Ichiro has already made it impossible for anyone to stake a claim though it beats me how he managed that feat."

"Hindi kaya gusto mo na ako?" tanong ko. Isang ngiti lang ang isinagot ni Ru pagkatapos ay pinisil ang ilong ko. Napahiyaw ako sa sakit, namamaga na nga eh pinisil pa!

"I like you, I won't deny that fact. The very first day our eyes met I already like you. And one of my brothers like you too, though he's just too stubborn and effin' slow to admit it to his self." Walang prenong deklara ni Rui.

Aaminin kong sumagi na rin sa isip ko ang posibilidad na iyon, nagmaganda ako nang ipagtanggol niya ako kay Ichiro eh bakit ba? Pero kakaiba pa rin ang pakiramdam ngayong narinig ko na mismo sa kanya ang pag-amin. At gusto ko rin isiping si Ichiro ang tinutukoy ni Rui dahil higit pa sa magkaibigan ang ugnayan nila ni ahit-kilay base na rin sa nakikita kong trato nila sa isa't-isa. Kaya lang, takot ang isang bahagi ko na umasa.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon