Chapter 33 - Guns and Feelings [Part 1]

259 7 1
                                    

Michy

Napaatras ako nang biglang mag-iba ang ngiti ni Mister Fuentabella. "Mukhang ikaw na mismo ang lumapit sa bingit ng kamatayan mo ano Miss Cavalier?" Unti-unti itong lumapit sa'kin dahilan para mas lalo akong umatras.

Nang sandaling 'yon ay ilang beses akong napamura sa isipan ko habang pinapakiramdaman ang paligid ko. Ilang sandali pa ay hindi nga ako nagkamaling may iba pang taong paparating doon nang may marinig akong tawa. Malanding tawa. "Ohh, the bitch is here."

Agad kong nakilala ang boses na 'yon. Hindi ko man matandaan ang pangalan niya ay alam kong kinausap na niya ako sa party. Isang maling lingon; isang maling galaw, alam kong may hinding magandang mangyayari. Nang marinig ko silang tumawa ay pinakalma ko ang sarili ko. Cavaliers are trained to protect themselves, ang buong angkan ko ay bihasa na sa ganito. Akala ba nila sila pa lang ang unang taong nagtangka sa buhay ko?

Isang matunog na pag-ngisi ang ginawa ko saka ko pinunit ang ibaba ng dress na suot ko para makagalaw ako ng maayos mamaya. Napalingon naman sila sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay at taas noong isa-isang tinitigan. Tatlong lalake at isang babae. Shit! Kung nandito lang sana sina Xav, Liv at Tof! Damn it!

Nang sumugod ang isang lalake na nasa kaliwa ko ay agad kong binato ang isang stiletto ko sa mukha niya na sapol ang takong sa mata kaya naman dumaing ito sa sakit. Ganoon din ang ginawa ng nasa kanan ko kaya naman binato ko rin ang isa pa sa below the belt ng lalake dahilan ng pagngisi ko.

"Don't underestimate those stilettos. After all, heels are women's weapon to conquer the world, idiots!" Nagsimula akong maglakad palapit do'n sa babae at may Mister Fuentabella. Nang umatras ito ay nginisian ko sila.

"Afraid much?" Nakangiting tanong ko sa mga ito. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagtutok sa akin ng baril nung babae. Natigilan ako sa paglalakad at matamang tinitigan 'yon.
"Now now, afraid much?" Nakangising tanong ng babae.

I shrugged. "Not really. Lalo na kapag nanginginig ang kamay ng may hawak ng baril. Stupid."
Nakita ko ang inis na inis na mukha nung babae.

"You bitch!" Sigaw niya.

Ngumisi ako. "I am. And I'm proud of that."

"Ganyan pa kaya ang maging reaksyon mo kapag patay na lahat ng mga kasama mo ro'n sa event?" Nabaling ang paningin ko kay Mister Fuentabella nang magsalita ito. "Naglalakad na ngayon ang papatay sa mga 'yon. The Young's, Mendez, Ortega, Clynes--" Russo? Pati si Russo? "And that prodigy Kazuya, siya na actually ang unang target doon ng sniper. Nakikita mo ang building na 'yon?" Turo niya sa isang abandonadong building sa 'di kalayuan. "After 20 minutes ay maglalakad na papunta ro'n ang sniper na papatay sa lahat ng bigatin sa business industry. And what a shame--" Kinuha niya ang baril na nasa babae at itinutok sa'kin. Halatang bihasa ito sa paghawak kaya naman hindi ko napigilang makaramdam ng kaba. "--that I need to kill the most beautiful and powerful lady boss of Cavalier's."

Si Ichiro? Nababalitaan ko na ang tungkol sa prodigy na 'yon pero hindi ko akalaing si Ichiro iyon.
Nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya ay muli akong nagpakawala ng matunog na pag-ngisi. Kasabay no'n ay ang pag-upo ko sa buhanginan. Mas lalo akong napangisi nang mabakasan ang pagkataranta sa mga mata nila at maging sa reaksyon ng mukha ng dalawa. Palihim akong naglagay ng buhangin sa bulsa ng palda na suot ko. Nang makita kong sumugod ang dalawang lalake na kanina ay binato ko ng heels ay muli akong tumayo at sinalubong ng tadyak ang dalawa.

Umikot akong muli at buong lakas na sinipa silang dalawa sa sikmura. Nang makita kong itinatama na ni Mister Fuentabella ang baril at handa ng iputok 'yon ay agad akong tumakbo papunta sa isang lalake at iniharang siya. Nang maiputok niya iyon ay doon ko kinuha ang buhangin na nasa bulsa ng palda ko at ibinato kung nasaan si Mister Fuentabella.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon