Chapter 6 - Transfer Resistant Lipstick

487 24 20
                                    



Reina Light's POV


"Ugh!" Impit kong sigaw sa area ko. Nakakabanas talaga. Ano bang magagawa ko kung hindi na maiwasan ng kilay kong tumaas everytime siya ang kausap ko? But she was also right, I should know my place kasi siya ang boss ko.         Pero grrrr! Nakakainis talaga siya minsan. Hindi appreciative, hindi marunong magthank you, laging may topak. Lagi ko nga naririnig mga staff dito na pinag-uusapan siya. Siguro kung mga marunong lang mangkulam ang mga empleyado niya matagal na siyang sinumpa ng mga iyon.

Kita mo kanina pinapakain ko kasi feeling ko mamatay na siya dahil ang putla putla na ng mukha, tarayan ba daw ako? Sus Maria talaga. Buti nalang napigilan kong isaksak sa ngalangala niya yung dala kong tinidor. Hindi ko maintindihan. Ang ganda-ganda niya, ang sexy, successful, ang bait ng parents niya, pero ewan ko ba talaga. Pati ata impyerno itinakwil na siya. Hindi bagay sa kanya ang pangalang Angel. Ugh!

Hindi sinasadyang napadako ang mata ko sa calendar ni Michy—naku sa utak ko hindi ko talaga siya ginagalang, bakit ba? Hindi naman na niya malalaman. Hehe!

Next week may business trip siya with Mr. Ortega. Isa pa yung baklang yun. Bakit ba kasi nakalimutang kong Ortega nga pala ang nakasabay ko sa elevator na kaparehas pa ata ni Beka ang shade ng lipstick na gamit. Kanina nung makita ko siya sa loob ng meeting room nanigas buo kong katawan. Mataman niya kasi kong tinitigan. Nagulat din ata ito at lalo lang kumunot ang noo nang mapadako na naman ang mata ko sa labi nitong mukhang nakalipstick na naman. Kapangilabot! Sayang ang lahi. Ang sperms . . . naku sayang talaga!

Nailing ko ang mga ulo ko dahil kung ano-ano na naman napasok sa utak ko. I took a deep breath to gather my thoughts and started organizing the files in order of priority ng biglang dumating si Michy. Kanina pag-alis nito kala mo sasabak sa gera. Tatanungin ko sana kung saan ito galing, pambwiset lang ba. Pero kakaiba ang aura nito. Hindi yung normal na nakakatakot, basta kakaiba, parang . . . malungkot.

Ano kayang nangyari?

I shrugged. Oh well, none of my business.

Engross na akong nagnonote sa mga files ng biglang tumunog ang intercom ko. Sinagot ko iyon.

"Yes Ms. Michy?"

Wow ang galang. Ang Gross mo Reina Light, plastic mo kainis!

"Hold all my calls," utos nito.

"Ay bakit po?" usisa ko. Malay ko kung biglang magkwento.

"I don't remember paying you to explain everything I want to do. Damn! Just do what I told you to!"

Ay hala! May toyo na naman sa utak ang isang 'to!

Inambaan ko yung intercom para naman kahit doon lang eh maambaan ko siya.

"Alright Ms. Michy. Anything else?" I made my voice a little sweet.

"Wala!" sigaw nito at sabay baba nung telepono.

Hahaha Asar talo talaga.

Babalik na sana ko sa ginagawa ko nang magring na naman yung intercom.

"Kita mo to. Sabi walang nang kailangan. Ngayon tatawag tawag ulit," mahina kong bulong. Pinintod ko ulit yung answer button.

"Yes Ma'am?"

"Bilhan mo ko ng Ice Black Coffee sa café Bonita. Venti," utos nito sabay binabaan ako ulit. Kainis bastos talaga.

Kinlose ko muna yung browser ko kasi baka maisipan mag usisa ni Michy at makitang nagbabasa ako ng Wattpad. Hindi naman sa nagbabasa ko during working hours, pero sympre iba iisipin n'on kapag nakita niya to, ngayong pang mainit na naman ang ulo.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon