Chapter 29 - A Real Laugh

270 9 4
                                    

Michy Angel

"You okay?" Bulong sa'kin ni Ichiro kaya nilingon ko siya at nginitian.

Sa totoo lang ay hindi ko siya dapat kasama ngayon pero kanina, matapos naming mag-usap ni Russo ay nakita ko siyang nakamasid sa'kin. Matamang nakatingin na akala mo buong simpatya niya ay binibigay niya kanina.

"Yes Ichiro?" Pukaw ko sa kanya saka ko siya nilapitan at nginitian.

"Oh. . . Uhmn, I didn't mean to hear that--"

I chuckled, dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. "It's fine," nakangiting sagot ko sa kanya. "Where's Maia?"

Biglang nagbago ang aura niya nang itanong ko 'yon kaya naman bahagya akong nagtaka. Nakita ko pa ang pagsalubong ng kilay niya kaya naman mas lalo akong nagtaka. Pinag-krus ko ang dalawang braso ko sa ibabaw ng dibdib ko at hinintay ang pag-sagot niya.

"Maybe flirting somewhere," tiim-bagang na sagot niya saka niya kinagat ang ibabang labi niya.

Napangisi ako. "Jealous?"

Umarko ang kilay niya. "No! Why would I?! She's just my employee!" Bulalas niya saka niya sunod-sunod na ikinuwento ang puro tungkol kay Maia at pati na rin ang pagsabi niya ng hoe at trying hard kay Maia na nagpataas sa kilay ko. Para siyang batang nagsusumbong sa'kin ngayon.

Tumingala ako at bumuntong hininga. Nilingon ko kung saan ko iniwan si Russo kanina pero wala na ito.

Guess what Russo? You're just like him. Well. . . Kind of.

"Michy," pukaw sa'kin ni Ichiro. Unti-unti ko siyang nilingon at nakita na naman ang mga mata niyang puno ng awa.

This is why I have to keep everything to myself. I don't need this kind of treatment. I don't need those kind of gaze. I keep things to myself cause that's where it should be.

'Coz nobody can really grasp the whole thing and I'll just end up being misunderstood.

Again and again.

Pinilit kong ngumiti. "Yes?"

Ngumiti siya. "What a strong lady," aniya. Napakalamyos sa pandinig ko ng boses niyang 'yon na animo'y pinipilit na pagaanin ang nararamdaman ko.

Ba't naman niya nasabi 'yon?

Lumingon ako sa dagat at pinakiramdam ang ihip ng hangin. Kulang na lang ay pati hangin ay damayan ako ng sandaling iyon.

"Am I Ichiro?" Sinikap kong pasiglahin ang boses ko. Sinikap kong hindi matulala at madala sa nararamdaman ko. Ayokong maging ganito pero mukhang, kinakain ang buong sistema ko ng kamanhidan. "Am I tough enough?" Makahulugang dagdag kong tanong kay Ichiro.

"If you're not, then cry," rinig kong sabi niya.

"Crying won't solve anything," sagot ko.

"But it'll lessen the pain."

Agad kong hinarap si Ichiro ng sandaling iyon at nakita siyang nakangiti.

"I just can't," nakangiting sagot ko sa kanya saka ko siya nilapitan at binulungan sa tenga. "Wanna play a game?" Pagbabago ko ng usapan.

"Game?" Tanong niya.

"Yep. Let's see if Maia likes you or not game," muling bulong ko saka ko siya kinabig sa braso at hinila kung saan nagaganap ang party na sakto namang nakita rin kami nung may kakambal na kasama niya kanina kaya sumunod iyon.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon