Chapter 12 - If I Fall

425 20 34
                                    

Stephanie


Halos maghapon kaming magkasama ni Tisoy. Talagang inabangan niya pa ako sa school kanina hanggang sa matapos ang klase ko. Hindi ko nga alam kung ano ba ang trip nito e. Gusto ko nga sanang tumambling noong nakita ko siya sa labas ng school na pinagtuturuan ko na talagang prenteng-prente na nakasandal sa bakod.

"So writer ka pala?" tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming naglalakad dahil ihahatid niya raw ako. Ang sarap lang sa feeling ang ganito. New found guy friend. Mabait naman pala siya. Akala ko kasi noon ay talagang masungit at napakaseryoso niyang tao 'yon pala ay isa rin siyang kalog.

Gusto niya nga raw na pumasyal muna kami kaya lang ay iniisip niya raw na pagod na ako sa pagtuturo kaya naman kumain lang kami kanina sa Mang Inasal at pagkatapos ay heto at nag-aalay lakad na kaming dalawa.

"Yes, writer nga ako pero hindi naman ako sikat katulad ng iniisip mo," sabi niya. Talagang ngumiti pa siya bago tumingin sa akin. Ay ang taray! Bakit ang gwapo mo?!

"Wala naman akong sinabi na sikat ka ah at isa pa, hindi mo naman kailangang maging isang sikat na writer para lang sa title na 'yan. As long as you have written something that you have connected your soul with it, writer ka na no'n," I muttered. Bigla naman akong napahinto sa paglalakad noong tumigil siya at talagang nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit?" tanong ko. Naloloka kasi ang bangs ko sa mga titig niya. Parang tinutunaw ako at talagang medyo nakakaramdam ako ng pagkailang.

"Wala naman. I just admire girls who are full of wisdom," he mumbled. Ano raw? So full of wisdom ako, gano'n? Kailan pa? Bakit hindi naman yata ako nainform?

"Joker ka yata e," I said while playfully hitting him pero agad din akong tumigil noong may nahagip ang mata ko.

Si Toffer.

And he is with a girl. Leche naman oh! One week pa lang tapos may bago na agad?! Aba hayop din ah!

"Hey, Phanie, bakit? Ano'ng problema?" Bigla akong napalingon kay Xavier aka Tisoy dahil sa tanong niya pero agad ko rin na ibinalik kina Toffer at sa malanding higad na kasama niya ang mga tingin ko.

Mga walang modo! Dito pa talaga nagkalat ng lagim?! Biruin niyo, naghahalikan silang dalawa sa ganitong lugar?! PDA lang ang peg?! Mga lapastangan!

"And who is he?" tanong ulit ni Xavier. Nakita ko na nakatingin na siya kay Toffer. Sira ulo ka kasi, Steph! Bakit ka ba affected sa mukhang bisugo na 'yan?!

"Wala lang 'yon. Hindi ko sila kilala." Pagkasabi ko no'n ay siya namang paglingon ni Toffer sa pwesto ko at halatang nagulat siya na nakita niya ako. Langya! So ano? Feeling niya nakakita siya ng multo?!

"Tara na, Xav." Hinila ko si Tisoy at nag-umpisa na ulit kaming maglakad noong nakita ko na tatawid si Toffer para lang lapitan ako. Nako naman, utang na loob lang! Lubayan nawa ako ng isdang bato na 'to. Jusko!

"Steph!" sigaw ni Toffer pero hindi ko siya pinansin. Aba asa naman siya na pansinin ko siya matapos ng mga panloloko at mga kawalang-hiyaan niya?! Ang ganda kong nilalang para kausapin pa ang lalaking 'yan na sinaniban ng kuhol!

"Steph, stop!" Aba hayop talaga! Sino siya para utusan ako?! Dahil nainis na ang kaluluwang ligaw ko ay humarap na ako sa kaniya at nakita ko siya na ang sama ng tingin kay Xavier. O ano na naman ang pinaglalaban ng isang 'to?

"Bakit?" Walang emosyon kong tanong sa kaniya. Lalapit pa sana siya sa akin pero natigil siya noong nagsalita ulit ako.

"'Wag kang lalapit sa akin kung ayaw mong upakan kitang hayop ka." Kalmado pa ako sa lagay na 'to pero mahahalata sa mga sinasabi ko na galit ako. Lechugas! Pagkatapos ng pang-iiwan niya sa akin sa ere last week, ngayon na lang ulit kami nagkaharap at talaga nga namang kahit sabihin na gwapo siya ay hindi man lang magwang kumalma ng lamang-loob ko sa kaniya.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon