Chapter 34 - The Man Who Knows Everthing

319 8 7
                                    

Reina Light

Dahil mukhang wala pang balak umalis sina Steph at Maia sa hallway kung saan namin nakilala ang mala-hulog ng langit na kuya ni Michy ay nagpaalam na ko sa mga ito. Kung hindi lang ako nasu-suffocate sa hospital, naku hinding-hindi ko tatantanan ang gwapong nilalang na yun, pero wala eh, I don't like hospital so gora ang beauty ko sa labas. I need air. I went and sit in one of the bench just outside. Kakadikit pa lang ng pwet ko sa upuan nang mag-ring ang phone ko.

"Hello?" I answered when I saw Beka's name in the caller I.D. Sakto lang dahil balak ko na talaga siyang tawagan.

"Dammit Light! What's happening there? Ano tong balita sa t.v na may barilan d'yan sa Palawan at sa mismong venue pa ng Mendez Event?!" Tila kinapos na to ng hininga sa lakas at bilis ng pagsasalita niya.

"I was about to call you. Pick me up now Beka. Ise-send ko sa'yo yung hotel at room number kung saan ako nag-i-stay." Walang ganang utos ko.

"Even if hindi mo sabihin, I'm actually on a private plane now on my way there to you. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sakin Reina Light! Pinapatay mo ko sa kaba! You're sealing my death sentence by doing all these crazy stunts. Marami pa kong pangarap sa buhay. Paano ko nalang haharapin ang papa mo nito? I was supposed to be your bodyguard and secretary and yet nandito ako sa Manila't hindi mapakali sa kakaisip sa'yo."

Bigla napakunot ang noo ko sa narinig. "Wait, stop right there Beka. Does dad know?"

"No. Gusto ko pang mabuhay no!"

"Good. Let's keep it that way," I said in an authoritative tone.

"Base sa tono mo, should I start acting my role now, too?"

I sighed. "I'm sorry Beka. Please, you're a friend, I'm not pretending and I hope so do you. Alam mo naman ako pagdating kay dad. Pasensya ka na. Ang dami lang talagang nangyayari, and right now I just want to go home."

"Alright, I'll be there so please keep yourself out of trouble until I got there. Kung hindi, ako ang mismong magbibitay sa'yo patiwarik, and that's not a joke," halos nakikinita ko na ang reaksyon niya pagnakita niya ko ngayon. Baka hindi lang bitay patiwarik ang mapala ko, baka maisako pa ko ng babaeng to.

Beka has been my secretary and bodyguard for as long as I could remember. Her family has worked for us for generation after generations. Nang umalis ako para pagtaguan ang daddy ko, sumunod siya sa'kin. Hindi ko alam kung paano niya ko nahanap, but that's not surprising, she was trained that way after all.

I ended the call, leaned back and closed my eyes. Biglang pagragasa ng mga nangyari kanina sa isip ko, at kahit anong tulak ang gawin ko para hindi ko na yun maalala pa ay wala akong magawa. Kasabay nang pagbalik nang mga pangyayari sa isip ko ang sakit at takot na kanina ko pa pilit iniisang-tabi.

"Yuko!" Sabay-sabay ang ginawa naming paglingon kay Michy na ngayon ay mabilis na tumatakbo sa direksyon nila Ichiro. The tense and urgency in her voice got our full attention. At first walang gumalaw sa'ming lahat at nakatanga lang na sinusundan siya nang tingin. "Sabi ko yuko! Damn it!" Sigaw niya pa lalo sa'min.

Hindi ko alam pero bigla akong nanginig sa kinatatayuan ko, parang biglang nawalan ako ng control sa katawan ko. Mas lalo pa kong nagpanic ng makarinig ako ng putok sa di kalayuan. Impit akong napatili sabay takip sa tainga ko. Sa gilid ko kitang-kita ko kung paano sabay na isinangga ni Toffer at Xav ang katawan kay Steph. Nang ibalik ko ulit ang mata kay Michy I saw her jumped at Ichiro pulling him and Maia down with her. The worst scene of all, that one that almost tore my heart-I don't why though-was watching Drexel throw himself to Liv, with Matt's arms around her. Hindi ko siya masisisi kung ang pagtulong kay Liv ang naging unang reflex niya, sino ba naman kasi ako para tulungan? Masakit lang na yung taong inaasahan mong tutulong sa'yo ang siya pang unang mang-iiwan.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon