Chapter 10 - Boys

493 20 14
                                    




Reina Light POV

"Kaloka talaga! Bakit ako pa?" mahina kong bulong sa sarili habang matamang inaayos ang schedule nang aking bipolar na boss. Kanina kinabahan ako, akala ko kung anong espiritu na ang sumapi sa kanya at pinuri-puri ako. Kapangilabot! Kaya kanina pa talaga ko atat umuwi. Napatingin ako sa orasan ko. Mag 5pm na at 30 minutes nalang pwede na kong umuwi. Napangiti ako sa ideyang yun.

"Reina Light, did Michy already give you the files I was asking?" Nagulat ako at napataas ang ulo ko sa nagsalita. Si Sir Toffer pala. Isa to sa mga may pinagpalang mukha dito sa Cavalier's Forves Industry. He's a senior director and has been in the company for more than 5 years. Mabait naman ito, hindi ko lang talaga siya gusto. Yung tipong palapit palang siya sa akin nag-iinit na agad ang dugo ko. Well judgmental kasi talaga kong tao, it's a flaw na nakasanayan ko na at nang mga tao sa paligid ko. Minsan nga inaabangan na lang nila ko sa mga kwento ko about sa mga taong kinabwisitin ko sa loob ng isang araw.

"Hindi pa po ata tapos pirmahan ni Ms. Michy ang mga file na hinihingi niyo sir."

Tumango ito na tila nag-iisip. "Well I need those files today so if you could, pwede bang pakidala nalang sa office ko mamaya after mapirmahan ni Michy?" he smiled at me. Grabe kung hindi lang bad vibes ang dala nang presensya nito sakin siguro matagal na kong lumuhod sa harap nito. Ngiti palang makalaglag panty na. Yan ang tunay na lalaki, nag-uumapaw sa sex appeal, hindi yung naglilipstick. Ewan ba, ang gwapo naman nito, pamatay ang ngiti, ang panga mas defined pa sa definition sa dictionary ko, ang ngipin nakakasilaw at ang mga muscles . . . yummy, kaso iba talaga ang dating niya sakin. Parang panganib na hindi mo gugustuhing suungin.

"Sure sir," ganting ngiti ko rito. Sandali itong napamaang sakin, kinabahan pa nga ko kasi baka hindi ako aware na nagsasabi ko na pala lahat ng observation ko sa kanya, but then he blinked and shook his head.

"Thanks."

Pagkaalis niya sa harap ko ay napatingin ako sa picture na nakadisplay sa desktop ko, si Takumi Usui ng Maid Sama, yung hero sa anime na sinusubaybayan ko ngayon. "Buti ka pa Usui walang kapintasan. Walang-wala sa kalingkingan mo si sir Toffer. Naku kung totoong tao ka lang baka ako pa nanligaw sayo. On second thought pala magstay ka nalang na anime, baka pag totoong tao ka magpaiyak ka pa ng mga kalahi ko."

Nasa kalagitnaan ako nang pagdadaydream with my baby Usui ng magring ang telepono.

"Goodmorning, Cavalier's Forves Industry."

"Hmmm, you have such a nice quality of voice Reina Light." Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang boses. Wala sa sariling naibaba ko ang telepono at napasabunot nang marealize ko kung anong nagawa ko.

Shit!

Hindi pa nakakalipas ang isang minuto nag magring ulit ang telepono. I took a deep breath bago ko sinagot ulit yun.

"What the hell was that about Reina Light?" galit na tanong niya. Napakagat labi nalang ko.

Ano bang iniisip mo kasi Reina? Masyado kang tense, kumalma ka nga.

"Sorry po sir. Nadulas po kasi sa kamay ko," walang kwentang palusot ko. Hinihintay kong sigawan niya ulit ako pero buntong-hininga lang ng taong nagtitimpi ang narinig ko sa kabilang linya.

"Never mind that, let's discuss the matter at hand. I don't really know what's going on in Michy's mind to assign you as her representative. It's either she trust you well enough or she's planning something. Either way, I'm stuck with you, you probably know that don't you?"

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon