Chapter 8- The Meet Up

481 24 16
                                    

Stephanie

Isang linggo na ang nakalipas noong maging suki na ng Café Bonita ang kagandahan kong taglay. Ang totoo niyan ay malakas ang paniniwala ko na kung saan nadurog ang puso ko ay doon din ito mabubuo.

"Hoy, babae! Saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Yumi. Paano kasi ay alas-sais pa lang ng umaga at heto ako, gumagayak na.

"Doon lang ako sa Café Bonita. Ikaw naman. Sawa na ako diyan sa 3 in 1 na kape." Pagdadahilan ko sa kaniya. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko kasi sinamaan niya ako ng tingin. Talagang nanunuot sa kaluluwa ko ang mga tingin ni Yumi. Ano ba naman ang babaeng 'to.

"Oo na! Pupunta ako doon para makita ulit si Tisoy! Nararamdaman ko kasi na siya na talaga ang nakatadhana sa akin!" Sabi ko na medyo nagpapantasya pa ang itsura ko. Bigla akong binato ni Yumi ng isang 3 in 1 na sachet ng kape.

"Aray ko naman! Ang brutal mo!" Sigaw ko habang hinihimas ko ang braso ko na tinamaan ng pagbato niya.

"Baliw ka talagang babae ka! Hindi ka na talaga madadala?" She said. Ano nanaman ba ang pinuputok ng bulkang pinatubo? Nakakaloka na talaga ito.

"Yumi naman, ano naman ang masama sa kagustuhan kong mahanap ang lalaking bubuo sa nadurog kong puso dahil sa pag-iwan sa akin sa ere ng talipandas na si Toffer di ba? Utang na loob naman! Support lang naman te ang hinihingi ng lamang loob ko sa'yo." I said. Kunwari ay nasasaktan ako sa sinasabi niya pero as usual, binatukan lang ako ni Yumi. Aray ha.

"Ni hindi ka nga kilala nung lalaking pinapantasya mo e! Kung mag-inarte ka naman dyan." Medyo nasaktan ang apdo ko sa sinabi ni Yumi. Oo nga naman. Isang linggo na akong pabalik-balik sa Cafe Bonita pero hindi ko pa rin kilala si Tisoy.

"May tamang panahon sa lahat ng bagay, Yumi. Darating ang araw at talagang siya pa ang magpapakilala sa akin. Ganyan dapat ang buhay. Wag mawalan ng pag-asa." I said while my eyes shine bright like a diamond. Ang bongga naman ng shine bright like a diamond chorvaness mo, Steph!

"Alam mo, Steph, pwede ka nang sumali sa isang contest na pabilisan makamove-on. Langya! Noong isang linggo lang naganap ang pag-iwan sa'yo sa ere ng hinayupak na si Toffer tapos okay ka na agad?! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi kahit paano ay hindi ka katulad ng iba na sobra kung malugmok dahil nawasak ang puso o mai-stress ang katawang lupa ko kasi walang kang kadala-dala!" Mahabang litanya ng aking nag-iinarteng pinsan. Jusko naman! Magkaroon ka ba naman ng ganitong kasama sa bahay ay baka natuyuan ka na ng dugo. Napatingin ako sa relo ko. 6:18 na. Ibig sabihin ay nandoon na si Tisoy!

"Yumi! Mamaya na ako makikinig sa talumpati mo ha? I gotta go! Bye!' Hinalikan ko muna si Yumi sa pisngi bago ako nagmadaling lumabas sa apartment namin. Ang totoo niyan ay malapit lang sa bahay namin ang Cafe Bonita pero siyempre, mahirap nang mapawisan kaya naman sumakay pa rin ako sa Taxi. Wala e. Mainarte nga kasi ang nagmamagandang tulad ko.

Pagdating ko sa Cafe Bonita ay nakita ko kaagad si Maia. Bilib ako sa babaeng 'to na napakaconsistent ng ngiti. Sabagay, kailangan naman kasi sa trabah niya ang pagiging palangiti at approachable.

'Good morning Ateng!" Sabi ko sa kaniya. Napatakip ako ng bibig ko noong makita ko na may bumibili pala ng kape. Napalingon siya sa akin at ang nakakaloka ay ang taray niyang tumingin. Hala! Bakit ganito itong si Ateng?

"Good morning din, Steph." Sabi ni Ate Maia. Pero ang awkward pa rin sa pakiramdam kasi nakatitig pa rin sa akin ang costumer ni Ateng.

"Uhm, Miss, may problema ba?" tanong ko sa kaniya. Umalis muna si Ateng Maia para siguro asikasuhin ang order na kape ni Ateng grabe kung makatingin.

"Wala. Medyo nairita lang ako sa pagsigaw mo kanina na akala mo naman ay ikaw lang ang tao dito sa Cafe." She said. Aray ko naman. Medyo nahurt ang aking kidney sa sinabi niya.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon