Chapter 31: The Strong Woman

24.8K 682 44
                                    

CLEO'S POV


Living life without him is plain.


I miss him. There's no point of denying that. And I want to be with him.


I surrendered to my heart once more and tried to go back where I belong, in his arms.


Pero muli ay naranasan ko na naman 'yung sakit.


He's chasing her. He's busy looking for her.


Paulit-ulit na lamang. Ilang beses pa ba ako kailangang masaktan para matauhan.


Ito ang hirap na umasa sa mga pinapakita at sinasabi niya. Paulit-ulit akong nahuhulog at lalong nababaon sa pagmamahal ko sa kanya, pero palagi din naman akong nasasampal ng katotohanan na hindi ako ang mahal niya.


Gusto kong pilitin ang sarili ko sa kanya. Makontento na maging maligaya kapag nasa tabi ko siya, at maging manhid kapag aalis siya para pumunta sa kanya. Pero pakiramdam ko hindi ko na kaya ang ganoon. Respeto na lamang sa sarili.


Pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Gustong-gusto ko na maniwala na mahal niya ako. Pero paano ako maniniwala kung palagi siyang nagpapakita na paasa lamang ang mga kilos niya. At pagod na pagod na akong umasa. Ilang taon na ba akong umaasa na mamahalin niya din ako katulad ng pagmamahal na gusto ko?


Ang sakit kasi na, ako 'yung kasama niya, ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya, tapos kapag kinailangan siya ng totoong mahal niya, bibitiwan at iiwan niya ako. Umpisa pa lamang ay malinaw na siya kung ano ang papel ko sa buhay niya.


I agreed on this, help him move on with his feelings for other man's wife. On our years together, we fooled ourselves, we fooled others. We deliberately fail. And I am tired of all the shits. I can't hold on any longer. Because the longer I stay, the more I fall in love.


It is not hard to love him. He's sweet, caring, thoughtful. He has his flaws and hard times, but he knows how to make up. He's too good to be true. He's everything any woman would dream about. Handsome, wealthy, successful... he can offer you the world.


He's the walking knight in shining armor... kay Charmaine.


The more I love him, the more I get hurt.


Mas minamahal ko siya, mas nararamdaman ko 'yung sakit na hindi naman siya magiging akin.


Kung hindi pa ako lalayo ngayon, mas mamahalin ko lamang siya. At mas mahihirapan lamang ako na limutin 'yung pagmamahal ko.


Babae lamang ako. Nangangarap ako na makasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. Nangangarap ako na makatagpo ng lalaki na magmamahal sa akin ng lubos. Nangangarap akong mahalin sa paraan kung paano mahalin ni Matthew si Charmaine. 'Yung pagmamahal na wagas at walang hinihintay na kapalit. 'Yung pagmamahal na tumatagal sa mahabang panahon kahit walang katugon. 'Yung pagmamahal na handang isuko ang lahat para sa minamahal.

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now