Chapter 10: The Confused

26.5K 674 25
                                    

NEIL'S POV

"Sigurado ba na iyo?" tanong ni Kuya Nex sa akin.

Nandito kami ngayon sa balcony ng kwarto niya at nag-iinuman.

T*ngina, nawiwindang pa din ako. At eto, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na kausap ang Kuya ko tungkol sa problema ko. Kung tutuusin, hindi naman talaga problema 'yon. Nagulat lang talaga ako.

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Kuya.

May pakiramdam ako na kung buntis nga talaga siya, akin 'yon. Kasi isang buwan na alam ko na masaya siya sa akin. At t*ngina, masaya din ako. Kaya nga balik ako nang balik sa tabi niya. Aminado ako na gusto ko siya. Lahat ng sinasabi ko sa kanya, totoo.

Inaamin ko na medyo masama, kasi iniisip ko na siya na 'yung paraan para maka-move on na ako sa pagmamahal ko kay Maine. Ngayon lang ako nagka-ganito. 'Yung naiisip ko pa siya bago ako matulog. Na nababalikan ng isip ko kung paano ko siya naangkin. 'Yung pagkatapos kong isipin si Maine, siya naman. At nakakatulog ako na 'yung ngiti niya ang naiisip ko.

"Neil" untag sa akin ni Kuya

"Akin 'yun kung buntis talaga siya" sagot ko

"Gaano ka kasigurado? Inulit-ulit niyo?" nakangising tanong niya.

Close ako sa mga kaibigan ko, pero kay Kuya Nex ako walang nililihim. Bawat likaw ng bituka ko alam niya.

"Isang beses lang pero palagi kaming magkasama" sagot ko at tinungga na ang alak sa baso.

Tumungga din siya. "Artista 'yun, Neil. Hindi ka sigurado. Magaling umarte. Baka pikot lang 'yan. Bakit pinutukan mo sa loob?"

"Kasi akala ko pwede" matabang na sabi ko.

"Akala mo? Sabi niya?" mapang-inis na sabi niya.

T*ngina, iyon 'yung nakakainis! Naiinis ako sa kanya dahil sinungaling siya. At naiinis ako sa sarili ko. Dati naman kahit pa sabihin na safe at may konting spotting pa, hindi ko pinuputukan, pero sa kanya, t*ngina hindi ko mapigilan.

"Ikaw ba nakauna?" tanong muli ni Kuya.

"Oo" sagot ko sa kanya.

At alam ko na totoo iyon.

Tinanong ko si Courtney tungkol doon. OB si Court at babae siya kaya maalam siya sa ganoon. Nahihiwagaan kasi ako sa reaksyon niya noong pinasukan ko siya. At 'yung pakiramdam kakaiba talaga.

"Posible ba na virgin pero hindi dudugo?" tanong ko kay Court nang mapadpad siya sa bahay.

Nilunok niya muna ang kinakain niya. "Oo naman" sagot niya. "Bakit may natira ka na hindi mo sure?"

Si Court ang kilala kong pinaka-liberated na babae. Kahit ano pwede mong makausap ang babae na 'to. Kahit tungkol pa sa sex position.

"Iba kasi 'yung sikip e. Saka nakita ko na nasasaktan talaga. Pero walang dugo, baka umaarte lang. Parang 'yung nasa mga p0rn na virgin daw pero maluwag naman" sabi ko habang tumutusok ng fishball na dala ni Court

"May time kasi na nasisira ang hymen sa physical activities. Ayun kasi 'yung dumudugo. Pero ikaw ang makakapag-sabi kung ikaw ba ang una. Iba kasi 'yung pakiramdam na 'yung alaga mo ang babanat sa kweba ng babae. Naka-defloration ka naman na, alam mo 'yung feeling" balewalang sabi niya.

Napaisip na lamang ako.

"Yeah... I'm her first" nasabi ko na lamang

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now