Chapter 21: The Mother at His Side

26K 695 60
                                    

NEIL'S POV

 


I did my best to stop thinking about what I've heard a while ago. This won't help me.

I patiently waited until her photoshoot is done.

I miss her so much and she is goddmn avoiding me! I know I've been hard on her. But my mood changing is not something I have control of.

"Ms. Aragon" I called her formally when I saw her.

May mga kasama siyang kapwa modelo. At kasama na naman niya 'yung Paxton.

Halatang nagulat siya at hindi niya inaasahan na makita ako. Puro tawag lamang kasi ang ginagawa ko. Pero dahil palagi niya akong tinatanggihan kapag tinatawagan ko siya, personal ko na siyang pinuntahan ngayon.

"Mr. Vergara" usal niya at nag-paalam sa mga kasama niya para lapitan ako.

Ang iba sa mga kasama niya nauna nang umalis. Pero si Paxton ay nanatili lamang at nakasunod sa kanya ang tingin. Nakaka-t*ngina.

"Matthew, ano'ng ginagawa mo dito?" mahina pero mariing tanong niya

Pinagmasdan ko na muna ang mukha niya. Gusto ko siyang hilahin palapit sa akin at bigyan siya ng isang maalab na halik para ipaalala sa kanya kung bakit ako nasa buhay niya.

"Yayain kitang mag-dinner" sagot ko sa kanya at patuloy na tumitig sa maganda niyang mukha. Nangangati na ang mga kamay ko na hawakan siya.

"Pero may taping pa ako after this. Doon na din ako mag-di-dinner dahil baka ma-late ako kapag nag-dine out pa ako" sabi niya at alalang tumingin sa paligid.

Inaasahan ko na na iyon ang isasagot niya.

"I already buy us some foods. I can drive you to where you are going and we can eat while we're on the way" mahinang sabi ko sa kanya na halos pabulong na. Alam ko na nasa amin ang atensyon ng mga tao ngayon. At hindi nakakatulong ang presensya ni Paxton na matiim na nakatitig sa amin. Gumagawa pa naman ng issue ngayon at mainit ang tambalan nilang dalawa.

"I badly have to discuss some important details with you about your investment in the company. Maybe we could talk about it over dinner, Miss Aragon?" medyo malakas na sabi ko, sapata para iparinig sa pinakamalapit na tao sa amin.

Mukhang nabigla si Cleo sa sinabi ko.

Avaricious HeartsWhere stories live. Discover now