Chapter 7: The One He Left

27.5K 612 44
                                    

CLEO'S POV

Ilang sandali na akong nakatulala at lutang dito sa kwarto ko.

Did I really gave him myself?

Ngayon ay parang maiiyak na naman ako.

Pero sa isang banda, wala akong makapang pagsisi. Kahit na ano'ng hanap ang gawin ko, hindi ko magawang magsisi.

Kasi ginusto mo at nag-enjoy ka! Malandi kang babae ka!

Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at nagpaikut-ikot sa kama. Tumihaya ako ng higa at tumitig sa kisame.

Lumitaw na naman sa isip ko ang gwapong mukha niya.

"Matthew Neil Vergara" I dreamily said.

Napakurap-kurap ako nang may kumatok sa pinto. Tapos ay bumukas iyon at pumasok si Nanay.

"Kakain na, Clang. At tumawag ang manager mo, tawagan mo daw s'ya mamaya" lumabas din agad si Nanay.

Tumayo na ako ng kama.

"Sht!" impit na napamura na lamang ako sa sakit ng katawan ko, lalo na sa pagkababae ko.

He's huge and hard. And he's not gentle last night. Parang gusto ko na nga lang tanggalin ang balakang ko kung maaari lamang.

Kagabi nga nang umuwi ako at tinanong ni Nanay kung bakit ika-ika akong maglakad ay sinabi ko na nadulas kasi ako. At napapamura ako sa bawat humps o lubak na dadaanan ng taxi na nasakyan ko.

The hymen was not there, but there's no other man before him! He's my first.

Oo nakipagtanan ako noon kay Paul, pero pinahalagahan ko ang tinuro ni Nanay na ibigay lamang ang sarili sa gabi ng kasal. Pero pagdating talaga kay Matthew Neil Vergara, nagiging isa't kalahating tanga ako!

Hindi din naman nag-tangka si Paul noon na galawin ako. Balak pa yatang presyohan ang V-card ko ng hayup na 'yon. Nasira lamang ang hymen ko noong nasa workshop ako para matutong sumayaw. Kaya technically, birhen pa ako... pero hanggang kagabi na lamang.

Kapag nalaman iyon ni Nanay ay paniguradong madidisgusto na naman siya sa akin. Lahat ng values ba itinanim niya sa akin ay tinapon ko lamang.

I lost my V-card at nineteen. And it's with the man I met three days ago. The worst thing is... there's no love involved, it's just a pure lust and desire.

Pinilit ko na umakto at lumakad ng normal nang saluhan ko sila Nanay at Tatay sa hapag.

I ate my lunch with my parents. Kapag nasa paligid talaga ako, gloomy sila.

Nang makakain na ako ay bumalik ako sa kwarto ko at naligo. My face flush as I look at myself at the mirror.

Ngayon na naligo ako at nabura lahat ng concealer na nilagay ko sa balat ko, kitang-kita ko ang mga marka na iniwan ni Neil sa balat ko. Marami sa itaas ng mga dibdib ko at sa balikat ko. May ilan din sa leeg ko. Sa may bandang hita ko naman ay may ilang pasa.

Lumilitaw na naman sa balintataw ko ang mga ginawa niya sa akin kagabi. Kung paano niya pinagpala ang katawan ko.

Pilit na inalis ko na siya sa isip ko at inayos na ang sarili ko. Nang tawagan ko si Manay ay sinabi niya na magkita kami dahil may pupuntahan kami na mahalaga at iyon na daw ang hinihintay ko na break.

Nahirapan ako na takpan ng makeup ang nasa leeg ko kaya nagsuot na lamang ako ng long sleeve para hindi na ako mahirapan sa mga marka sa balikat ko.

"Nay, alis na ho ako" paalam ko kay Nanay na nasa sala at nag-gagantsilyo.

Tumango lamang siya at hindi man lamang ako tinignan.

Avaricious HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon