Chapter 24 - Sealed with a Kiss

292 14 6
                                    

Stephanie

Pagkaalis ni Maia ay siya namang tapon ni Michy ng tingin sa amin ni Toffer. Iniiwas ko agad ang tingin ko sa kaniya at inilipat 'yon sa dagat na nasa harapan ko. Ang akala ko pa man din ay makakapag-bonding kami ni Maia 'yon pala ay isa na namang epic fail na eksena 'to.

"So, ikaw pala ang tinutukoy nitong si Toffer na facebook girl?" sabi ni Michy saka siya umupo sa tabi ko. Napagigitnaan nila ako ni Toffer. Hindi ko pinansin ang tanong niya kaya si Toffer na ang nagsalita.

"Yes, Angel. No one else but her," he said. Tumango na lang si Michy at saka siya ngumiti. Kung titingnan ay wala akong makitang kaplastikan sa ngiti niya. So ano 'yon? Masaya ba siya o ano?

"Angel, I have to go. Pupuntahan ko pa si Light sa room niya. Baka kung ano nang nangyari sa kaniya," sabi no'ng lalaking kasama ni Michy kanina. Sino ba 'to? Boyfriend niya? At teka, Light daw? Si Reina?!

"Bakit?! Anong nangyari kay Reina?!" tanong ko sa lalaking ito. Tinapunan niya ako ng nagtatakang tingin. Nagulat siguro siya kung bakit ko kilala si Reina Light pero hindi ko iniwasan ang tingin niya. Nakipagtitigan din ako sa kaniya kahit na hindi ko naman talaga ugali ang makipagtitigan sa mga lalaki na hindi ko naman kilala.

"She's having a dysmenorrhea at this moment kaya nasa loob lang siya ng kwarto niya. Nothing to worry about," he replied.

"Go on, Drexel. Kapag may nangyaring masama kay Light, mapapatay kita." Napalingon naman ako kay Michy matapos niyang sabihin 'yon pero nginitian lang siya ni Drexel at saka ito tumango bago umalis.

"Aalis na rin ako. Baka makaabala pa ako sa inyong dalawa." Tumayo ako at ready to go na sana pero hinawakan ni Toffer ang kamay ko at saka niya ako muling hinila dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

"What are you saying, Steph? Anong makakaabala ka?" he asked. Narinig kong tumawa si Michy kaya naman agad na napunta sa kaniya ang tingin ko.

"Dammit! You are really funny! Tama nga si Toffer. Talagang magiging masaya nga siya kung katulad mo ang makakausap niya palagi," she said before she laughed again. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?

"Steph, I know that you're thinking na may namamagitan sa amin ni Angel, tama ba ako?" Hindi ako sumagot sa kaniya dahil mas lalong lumakas ang pagtawa ni Michy. Konti na lang at maghuhukay na ako dito para ilibing ang babaeng 'to!

"Really?! You are thinking that Toffer and I are having an affair?! That's an absurd thing for cousins like us!" she said before she doubled in laughter. Wait, cousins?!

"Magpinsan kayo?!" pasigaw na tanong ko at talagang napatunayan kong magpinsan nga sila noong sabay silang tumawa. Nakakaloka!

"Yes, Steph. We're cousins kaya wala kang dapat ipag-alala," sabi ni Toffer bago siya kumindat sa'kin and I nearly smack his head dahil nakakairitang makita siyang kumikindat!

"By the way, Tof, where have you been last night? Bigla ka na lang nawala sa hall," sabi ni Michy. Bigla akong napalunok ng laway ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Oo nga at thankful ako sa nangyari kagabi pero medyo naiinis din ako dahil nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob sa lalaking 'to. Talagang ibinulong pa niya sa akin kanina ang pambayad ko sa ginawa niyang pagdamay sa akin kagabi. Kairita ang bwisit!

"Shit! Don't cry, Steph!" he said before he hugged me. Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin at lalo lang 'yong naging dahilan ng pag-iyak ko. Hindi ko maipaliwanag o malaman kung bakit ako nasasaktan ng ganito to think na hindi naman kami ni Xav. Wala naman kaming relasyon. Ni hindi niya nga sinabing gusto niya ako kaya bakit ako umiiyak?! Bakit ako nasasaktan?! Bakit pakiramdam ko ay kulang na lang na madurong ng pino ang puso ko sa mga oras na 'to? Lalo pang nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko 'yong katotohanan na hindi niya man lang ako hinabol. Hindi niya man lang ako pinuntahan. Knowing that he saw me crying, ang sakit na wala siyang ginawa para alisin 'yong sakit sa dibdib ko.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon