Chapter 21 - Flirting is my Thing

349 12 7
                                    

Michy Angel

As I lay down on my beach towel, wearing a sunglasses and a two piece yellow bikini; the warm sun heated my body, while the sea air provided a cooling breeze. I can't help but to sit down again and let out a big heavy sigh. Damn! What a night to remember.

I shook my head for a moment. Xav and Olivia? Are they out of their mind? Ugh!

"Angel, Liv needs you," bulong sa'kin ni Russo habang mataman lang akong naktingin kay Olivia ngayon. Bakas sa mukha niyang wala siyang kaalam alam sa nangyayari. "C'mon," pukaw muli sa'kin ni Russo kasabay ng paghawak niya sa braso ko. Agad ko naman iyong tinabig saka siya sinamaan ng tingin.

"You're not the boss of me now Russo. Stay away!" Kunot noo kong mahinang asik sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahilan para irapan ko siya saka ako muling bumaling kay Olivia na ngayon ay nakatingin sa gawi ni Matt na kasalukuyang inaawat ng mga guards. Nang mapalingon ako kay Xav ay halatang may hinahanap na 'to. Seriously, what's going on here?

Wala sa sariling lumapit ako kay Olivia dahilan para lahat ng mata ay mabaling sa'kin, kabilang na ang mag-asawang Mendez na hindi ata inaasahan ang presensya ko ng sandaling iyon.

"I thought she won't be here. Sinabi ko naman sa'yong siguraduhin mong walang Cavalier ang pupunta sa party," rinig kong bulong ni Mr. Mendez sa kanyang kabiyak kaya napangisi ako. So I'm right.

Hinawakan ko ang balikat ni Olivia na ngayon ay tulala kung saan. Kahit pa nitong mga nakaraan na iniinis niya ako ay hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng awa para sa kanya. She's my girl best friend after all.

Kahit pa inagaw niya si Matt? Oh well. Kung tutuusin ay hindi niya naman kasalanan kung ma-in love sa kanya si Matt. Olivia is such a sweetheart. Nasanay lang talaga kaming may rivalry atmosphere sa lahat ng bagay.

"Come with me," I demanded as I hold her hand and walked away. Walang pinagbago ang mga magulang niya, wala pa ring pakielam sa anak.

Dinala ko si Olivia sa tabing dagat.

"Liv," pukaw ko sa kanya.

"Angel," aniya. Bakas sa boses niyang any minute ay iiyak na 'to.

"Don't you dare cry in front of me," naka-irap na sabi ko sa kanya saka ko hinawakan ang dalawang kamay niya at iniyakap 'yon sa likuran ko. "Now, go ahead."

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. "Same old attitude bestie," aniya. Bahagya akong napangiti.

Hindi na ako sumagot nang simulan niyang umiyak.

"So you really love Matt huh?" Tanong ko.

"Yeah, and about that, I'm sorry if--"

"Zip it Liv. You fell in love with him. I'm not that narrow-minded--"

"No. Mabait ka lang talaga Angel. Narinig ko kay Matt na, you also turned him down. You're such a bitch," natatawang sabi ni Olivia habang sumi-singhot pa ito.

"Hindi ako tanga para hindi mapansing masaya kayo sa isa't isa nang makita ko kayong magkasama noon Liv." Hinawakan ko ang kamay niya saka 'yon inalis sa pagkakayakap sa'kin. Nang maharap ako sa kanya ay nginitian ko siya. Gamit ang likuran ng palad ko ay pinunasan ko ang luha sa pisngi niya. "You know what you have to do," makahulugang sabi ko sa kanya saka ko siya kinabig para yakapin. "You're a strong woman Liv."

"Hey."

Napatingala ako nang may pumukaw sa'kin. Agad na nag-arko ang kilay ko at agad din akong tumayo. Isang sampal sa mukha ang tinamo sa'kin ni Xav.

Road To A Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon