Chapter 13 : Im back!

281K 7K 1.9K
                                    

Chapter 13 : Im back!

--

MIGGY POV [alam ko na miss niyo siya kaya ayan na]

May mga pagkakataon na kailangan mong mag paalam sa taong mahal mo. Kahit masakit sayo kailangan na talaga, kasi dadating yung point na kailangan mo na kilalanin ulit yung sarili mo. Kasi pag nagmamahal tayo madalas nag-iiba tayo. Maraming dahilan kung bakit pwedeng umabot ang isang relasyon sa ganitong sitwasyon.

Nakahiga lang kami ni tin sa damuhan.. pinag mamasdan namin yung langit, ang dami kasing stars eh.. tapos biglang may dumaan na shooting star.

"Pudge! mag wish ka dali!" umupo siya sa pag kakahiga niya sa chest ko. "Anong wish mo?"

"Wala.. hindi naman totoo yan eh..."

"YAH! bakit naman?" tapos nag pout siya. Lintek! nakaka inis talaga tong babae na to.

"Sige pout pa! halikan kita dyan eh!"

"Hahaha! eh di halikan mo!" gusto din eh, haha.

Umupo ako tapos nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Umiwas naman siya, tss. Tignan mo halikan ko daw pero umiwas naman.

"Oh bakit ayaw mo na? Hahaha!! pasaway ka eh nuh!" pinisil ko yung pisngi niya. "Hobby mo ba talaga yang ngumuso ha? panget eh! mukha kang sugpo!" inalis niya yung kamay ko sa pisngi niya.

"SUGPO?! eh kung sugpo pala ako, bakit mo ko pinatulan?"

"Eh ginayuma mo ako eh!" haha sarap talaga asarin ni pudge kahit kelan.

"Huy kapal! Si abra ka ba? Kung may igagayuma man ako, si abra na lang! mas gwapo yun sayo nuh!" Tss.. puro na lang si abra! lagi na lang niya pinapamuka sakin na crush niya yun, mas gwapo kaya ako dun.

"Eh di siya na lang dapat i-boyfriend mo! Magsama kayo!" bakit kasi napaka seloso ko -___-

"Haha! patawa ka pudge! ikaw nag simulang makipag asaran dyan eh!"

"Eh! gusto ko ako lang gwapo sa paningin mo!" niyakap ko siya ng mahigpit.. "Gusto ko akin ka lang.." hinarap ko siya sakin.

"Dapat hiniling mo yun sa star eh! kakainis ka!"

"Tss.. kaylangan pa ba na mag wish ako para mapasakin ka? akala ko pa naman akin na talaga.." sabihin niyo ng possesive ako pero ganun ko lang naman siya kamahal eh.. na ayoko siyang mawala sakin.. nag pout din ako.

"Sayong sayo lang ako.. sayong sayo.. okey? at wag ka mag pout dyan! nakaka manyak eh! wahahaha! tska ang dami mong FanGirl mamaya kapag nakita kang ganyan halikan ka bigla eh!"

"Eh wag ka din kasi mag pout!"

"Oo na po boss!"

"Good.. kiss mo nga ko?"

"Hoy! nakakadami ka na! haha ayoko nga.."

"Ah ganun?"

Kiniliti ko siya, hanggang sa mapagod siya tapos humiga na lang ulit kami. Nag hihintay ng susunod na shooting star..

Sa totoo lang nag wish talaga ako sa star na yun... anong wish ko?

Sana forever na kami ng babaeng kasama ko ngayon.. si cristin.. kasi mahal na mahal ko siya eh.. pwede ba yun star?

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon