Chapter 28

1.6K 24 0
                                    


"SAAN patungo iyon?" pabulong na tanong ni Iluminada nang makitang nagmamadaling lumabas sa restaurant si Xander. Ni hindi siya nag-angat ng ulo para sulyapan ito. Ganoon din ang mga kasamahan niya.

Isa sa mga security ni Xander ay tumayo at sumunod sa disimuladong paraan.

"Kung aalis tayong lahat ngayon sa gitna ng pagkain ay mahahalata tayo," ani Bonifacio na ang buong pansin ay kunwa nasa pagkain. "We'd be dead in seconds."

"Ano ang binabalak mo?" tanong ni Iluminada, hindi mapalagay. Naririnig sa loob ang tunog ng makina ng bike ni Xander. Nang sulyapan niya ang mesa ng mga bodyguard ay ni hindi mahahalatang nag-aalala ang mga ito pero may isang hawak ang cell phone.

"Hindi hinihiwalayan ng mga bodyguard na iyan si Xander. At kung hindi sila umaalis dito ay hindi rin tayo aalis."

"Masyadong obvious iyan!"

"Pagkakain ay mananatili tayo sa sasakyan. At kapag umalis ang tatlong bodyguards ay sundan natin."

"THIS isn't really a very good idea, Alessandro," ani Daniel na nakaangkas sa likuran niya.

"Kasama kita, hindi ba?"

"Except for my gun and knife, wala na. We could be ambushed in broad daylight."

Hindi siya kumibo. Ilang sandali pa'y iniliko na niya ang bike niya sa isang pamilyar na daan. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit. Halos umangat na sa lupa ang motorsiklo niya at wala siyang pakialam kung nag-aalala na ang mga bodyguard na nagsisikap maka-overtake sa mga sasakyan.

He was furious. Hindi pinagmaliw ng nakalipas na tatlong araw ang galit niya sa sinabi ni Marcy. Damn the whore. Kahit may asawa na at halos ama na nito ay hindi pinatawad!

But why did she resign from her high-paying job? Kung mayayamang kliyente lang ang kailangan ni Yelena ay mas madali nitong matatagpuan ang mga iyon sa Maynila at sa trabahong inalisan.

He'd offer her money she could hardly refuse.

Pagkatapos ay ikukulong niya sa bahay niya sa Tagaytay Highlands.

He groaned like a wounded animal. Three years ago, he had shared with her his plan of buying a property in Tagaytay Highlands, para sa kanila. Three years ago, he would have made a pact with the devil to make that dream come true.

Now he had his parents and family back. His needs were simpler. Malaya na siya rito at gusto niyang manatiling ganoon. He didn't like the power Yelena had over him.

But he couldn't let the bitch destroy Marcy's family. He owed Marcy in some ways. Maybe Marcy wouldn't see it that way. Pero siya ang uri ng taong marunong tumanaw ng utang-na- loob gaano man kaliit o kalaking pabor ang nagawa sa kanya.

Malayo pa'y natatanaw na niya ang bahay ni Yelena. At kung hindi siya nagkakamali ay nasa balkon ito at may kausap na lalaki. Marcy's husband?

Nakaharang ang isang lumang modelong Toyota Corolla sa may gate ng bahay kaya sa likuran na lang niyon niya ipinarada ang bike. Nakita na niya ang pagkamangha sa mukha ni Yelena palapit pa lamang siya.

Iniwan niya sa bike si Daniel at pumasok sa bakuran tuloy sa sa balkonahe.

"X-Xander?" manghang usal ni Yelena.

"Hello, Yelena," he said coldly. Subalit ang mga mata niya ay wala rito kundi sa kausap nito. He was sizing the man up. Typical sales agent. Nakamahabang manggas na polong puti, may necktie pa.

"W-what are... you doing here?"

"Dinadalaw kita." He stared at her shocked face. Ibinaling niya ang pansin sa bisita nito na tumikhim.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now