Chapter 3

1.4K 29 0
                                    


"BINABATI kita, Xander," masayang sabi nito at isang damping halik sa pisngi niya ang iginawad ni Marcy. "At natutuwa akong suot mo pa rin ang hikaw na iyan."

"Thank you. I saw you at the back of the crowd," he said with appreciation. Kahit paano ay may dumalo sa pagtatapos niya.

Kumislap ang mga mata nito sa sinabi niya. "Sumaglit ako kahapon ng hapon at hinintay ko lang na tanggapin mo ang diploma mo. Pero hindi ko magawang magtagal hanggang sa matapos ang programa para batiin ka nang personal. Lumalalim ang gabi at may sakit si Leilani. Kailangan kong maiuwi ang gamot na binili ko."

He frowned. A genuine concern crossed his eyes. "How's Leilani?"

She smiled. "Nang iwan ko kanina'y mababa na ang lagnat. Tatawagan ako ng nag-aalaga kung tataas uli."

Si Marcy, ang kahera sa restaurant at malayong kamag-anak ng may-ari. Sampung taon ang tanda nito sa kanya, hiwalay sa asawa at may binubuhay na pitong taong gulang na anak. Maganda ito, maputi, at makinis. She looked ten years younger than her thirty-five years. She was bold, sexy, and bosomy.

And she was also his best friend. Next to Cameron.

Ang relasyon nila ni Cameron ay tulad niyaong sa magkapatid. Marcy wasn't just a friend, she was his lover, too. Ex-lover.

Dumating ito sa bilyaran nang wala na siya roon. Sa mismong sandaling nagdaop ang mga palad nila nang ipakilala siya rito ng may-ari ng restaurant ay tila tiniyak na ni Marcy sa sarili nito na hindi lilipas ang magdamag na walang mamagitan sa kanilang dalawa.

At aaminin ni Xander na isa ito sa pumuno sa ilang malulungkot na gabi sa buhay niya. There were girls... later on women. But he couldn't afford a permanent relationship. Wala siyang maiha-handog. And he couldn't risk unwanted pregnancy. Napakarami niyang suliranin para madagdagan pa.

Marcy had been both a friend and lover for quite sometime. And what a lover! Marami sa mga paraan ng pagpapaligaya sa babae'y natutuhan niya mula rito. And if there was one, among a few things, he liked about her was that she knew the score. Relationship was good while it lasted.

"Ano ang gusto mo?" tanong ni Marcy na pumutol sa iniisip niya. "Sagot ko. Regalo ko sa pagtatapos mo."

"Mars-"

"Ah... ah. Huwag mo akong tatanggihan, Xander. Magdaramdam ako. Iyon man lang ang maireregalo ko sa iyo."

Alam niyang kapos ito sa pera dahil sa binubuhay na anak at binabayarang bahay. Hindi rin ito tumatanggap ng ano mang tulong-pinansiyal mula sa kanya ano mang pilit niya.

"Ikaw lang ang kaibigan ko, Xan. Ikaw rin lang ang kaisa-isang lalaking minsan man ay hindi ako itinuring na mababang uri ng babae dahil waitress at kahera lang ako rito. Ibigay mo sa akin ang dignidad na hindi ko pinababayaran ang sarili ko sa iyo."

"Walang masama sa trabaho mo, Mars. At totoo sa loob ko ang pagnanais kong tumulong."

She smiled at him. "Alam ko. Hayaan mo at darating din ang panahong mangangailangan ako ng tulong mo. Saka ka bumawi."

"All right. lyong dati." Hinila niya ang silya at naupo. Alam niyang hindi iuutos ni Marcy sa ibang waitress ang pagdadala ng order niya.

"Sure." Lumakad ito patungo sa counter, sadyang ikinembot ang mga balakang.

Lumapad ang pagkakangiti niya habang sinusundan ito ng tingin. Kung sasabihin niya ritong sumama itong lumabas sa kanya at sa apartment niya matulog ay natitiyak niyang hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay agad itong sasang-ayon.

But he wasn't in the mood. Gusto niyang matulog nang mahimbing at sa kinabukasan ay pag- isipan ang buhay niya. It had been years since he stopped searching for his biological parents.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now