Chapter 4

1.4K 31 0
                                    


YELENA heard the collective groans from her two classmates.

Isang matining na sipol ang maririnig sa paligid at nagpalakpakan ang mga kalabang lalaki habang sarisaring emosyon ang lumukob sa dibdib niya. Isa na roon ang pagnanais na maiyak nang malakas at lumupasay.

Ipinatalo lang niya ang huling pera ng mga classmate niya na nagtitiwalang mananalo siya!

Puno ng panghihinayang na tinapunan niya ng tingin ang pera ng mga classmate, kasama na rin ang pusta mula sa tatlong kalabang lalaki, na nakaipit sa bote ng beer sa may mesa sa tabi. Kasalukuyang iniangat ng kalaban niya ang bote nang nakangisi.

She groaned inwardly.

It was supposedly an easy shot. Paano siya pumalya?

Pakiramdam niya ay lalong uminit sa loob ng poolroom at nararamdaman niya ang pawis niyang nanulay sa dibdib niya pababa sa tiyan niya. Walang silbi ang ceiling fan na nasa malapit lang niya. Gusto nga niyang ihampas ang cue stick sa ceiling fan sa panlulumong lumukob sa kanya.

She wanted to scream at the unfairness of it all. Bakit kailangan niyang matalo sa sandaling kailangang-kailangan nila ng pera?

Hindi niya gustong salubungin ang akusasyon sa mga mata ng dalawang classmates. Sana'y bumuka ang lupang kinatatayuan niya at lamunin siya. Iniwas niya ang tingin mula sa mga ito at sa paglinga niya'y isang pares ng mga mata ang sumalubong sa kanya.

Napasinghap siya nang biglang pumasok sa isip ang dahilan kung bakit hindi niya naipasok ang bola sa corner hole.

Dahil saglit na naligalig ng lalaki ang konsentrasyon niya!

He was on her line of vision! Ang lalaking naka-suot ng leather pants na tila-suddenly she froze.

The man was a race car driver! And it reminded her of someone she had meet... Nagpreno ang isip niya at tumingala rito. Chocolate-brown eyes met hers.

Yes! It was the same man she'd met at the racetrack almost two years ago! Ang estrangherong ilang gabi ring laman ng isip niya.

Recognition and surprise mirrored in the man's eyes, too. Pero nakiraan lang ang pagkamangha sa mga mata nito at nginitian siya. Napalunok si Yelena. Just like the first time, gustong manlambot ng mga binti niya sa ngiti nito.

Relaxed na nakasandal ang likod nito sa hamba ng entryway sa pagitan ng bar at poolroom at may hawak na bote ng beer sa isang kamay at ang isa'y nakapasok sa bulsa ng pantalon nito.

Kung ang pag-uusapan ay ang mga lalaki sa loob ng poolroom at bar, namumukod-tangi ito. Hindi dahil mataas at malaking lalaki ito. Hindi rin dahil sa suot nitong pangkarera. Kundi iyon mismo ang dating nito.

Hindi lang may katangusan ang ilong nito kundi talagang matangos. He had a blade-thin lips that curled at the corner, na tila ikinaaaliw ang pagkatalo niya. His jaw taut and angular. Ang mga cheekbone ay tila iniukit ng mahusay na iskultor.

Hindi matiyak ni Yelena kung hindi na naman ito nakapag-ahit nang ilang araw kaya nangingitim ang paligid ng mukha. O sadyang pinili nito ang ganoong anyo. Dahil walang ipinagbago sa anyo nito noong una silang magkita.

Ang buhok nito'y wala ring ipinagkaiba. May kahabaan sa normal na gupit ng lalaki at nakatali ng goma sa likod na ang dulo'y tila buntot na lang ng ibon. On his left ear, a stud diamond earring.

Malapad ang mga balikat na lalo pang pinalapad ng suot nitong jacket na natitiyak niyang padded. Hindi niya matanaw ang abs nito dahil natatakpan ng leather jacket pero napipintahan niya ang balakang nito. A simple "wow" would not be enough to describe those hips.

Yet in the overall appearance, the stranger was a delicious good-looking hunk.

"Paano ngayon iyan, Lena-?" wika ni Amalie na pumukaw sa matapang niyang pagsusuri sa kaanyuan ng lalaki, "-nabulilyaso pang lalo ang pambili natin ng ingredients para sa gagawin nating chocolate mousse sa Lunes."

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now