Chapter 8

1.3K 24 0
                                    


MARAHAS ang ginawa niyang paglingon sa pantalan na hindi niya pagtatakhan kung may ugat na naputol sa leeg niya. Hindi ito nagsisinungaling dahil hindi niya natanaw ang van sa pinagparadahan nito.

Napahugot siya ng marahas na hininga kasabay ng halos pagtakbo niya patungo sa may bungad ng andamyo. Napahawak siya nang mahigpit sa gilid ng yate at dumukwang. Kahit anino ng van ay wala siyang matanaw hanggang sa pinakamalayong naaabot ng paningin niyang may lupa.

No!

Hindi siya makapaniwalang iniwan siya ng mga kasama niya! Her eyes were wide. May takot na sumibol sa dibdib. Paano nagawa ng mga itong iwan siya roon? lyon ba ang instructions sa mga ito? O sariling desisyon ng mga ito na iwan siya?

"They'd left just as you went out of that cardboard box," said Cash. "But don't worry, you can join us."

Dahan-dahan ang ginawa niyang paglingon dito. "H-hindi kasama sa usapan na mananatili ako rito, Mr. Cash," she said, gritting her teeth. She'd kill those two! Promise.

"Uuwi akong mag-isa," she said with aplomb.

"This is a private beach, Miss. Ang daang tinahak ninyo mula sa highway," patuloy ni Cash "ay pribadong daan at humigit-kumulang ay isang kilometro ang layo at walang ibang bahay kang makikita kundi ang bahay-bakasyunan ko. Oh, well, marahil ay may mangilan-ngilang bahay ng mga tagarito kang makikita sa labas ng lupain ko. Pero walang ibang masasakyan palabas maliban sa isa sa mga sasakyan namin."

"Tama si Cash," sagot ng isa sa mga lalaki mula sa grupo. Napigil ni Yelena ang sariling huwag itong lingunin at nakatitig lang kay Cash. "At nagkakasayahan kami kaya pansamantala'y walang maaaring maghatid sa iyo palabas."

"Join the party," patuloy ni Cash. "Kay Viggo ang Volvo na nakaparada. Isasabay ka nila sa paglabas mamaya at ihahatid na rin sa inuuwian mo. Oh, by the way, saan ka nakatira?"

"S-sa Rosario..."

"Napakalayo niyon mula rito kaya ipinapayo kong dito ka na magpalipas ng magdamag."

Magdamag! Panic kicked her brutally in the stomach.

"At dahil tatlo kayong walang partner sa limang lalaki," wika ng babaeng nakakapit kay Cash na tila tuko, "bahala ka nang mamili ng tatabihan." She smiled maliciously at nilingon ang tatlong lalaki. "Kay Paul, Kenneth, o kay Xander."

Xander.

Pagkabanggit sa huling pangalan ay dahan-dahan ang ginawang pagsunod niya ng tingin sa hinahayon ng paningin ng babae. Sa sulok ng isip niya ay umaasa siyang kapangalan lang. Ang mga mata niya'y agad na natuon sa pamilyar na bulto.

Contemptuous chocolate-brown eyes met hers.

"Ikaw?" she exclaimed.

"Ah, so, magkakilala kayo ni Xander?" Pinagsamang kaaliwan at banayad na kuryosidad ang nakabahid sa tinig ni Cash. "Well, that's good. Tamang-tama at magkakilala naman pala kayo. Hey, Xan, pare, paupuin mo si Miss..." He expected her to supply her name since it was established that she knew one of the men.

Yelena ignored him and almost groaned aloud. Bakit sumobra naman yata ang liit ng mundo? Sa nakalipas na isang linggo ay hindi miminsang pumasok sa isip niya ang mukha ng Xander na ito. Pinapangarap... pinapantasya. Her Prince Charming. She had even nortured hopes of meeting him again. At sa pangatlong pagkakataon ay makikipagkilala na siyang talaga rito.

Pero kahit sa bangungot ay hindi niya inaasahan na ang ikatlong pagkakataong magtatagpo sila ay sa ganitong sirkumstansiya!

"Huwag kang tumayo diyan na tila estatwa," ani Xander sa naiiritang tono. Hinubad nito ang suot na black leather jacket at inilagay sa bakanteng silyang nasa tabi nito. "Maupo ka rito at isuot mo ito. Baka ma-hypothermia ka diyan sa suot mo. Malayo ang ospital dito!"

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now