Chapter 12

1.4K 21 0
                                    


San Diego, California, seven years ago...

XANDER was staring at his adoptive father's profile. Nasa balkonahe ito ng study nito, nakaupo sa rocking chair at nakatanaw sa kawalan. Sa gilid ng rocking chair ay ang baston na aluminum.

The small balcony had seemed to be his favorite place since his car accident three months ago. Wala pang sampung minuto mula nang makaalis ito sa bahay nang isa sa mga nagdaang sasakyan ng kalapit na farm ang tumawag sa kanila para ipaalam na bumangga sa isang oak tree ang sasakyan nito.

Banayad nitong inuuga-uga ang rocking chair habang nakatanaw sa mga berdeng tanawin na nakapaligid sa two-storey farmhouse. A quarter of a mile from the house was the Grayson's apple farm. Hindi kalakihan ang apple farm, iilan lang ang mga tauhan na ang karamihan ay mga Asiano. Gayunman ay malaking bagay ang inaakyat niyong salapi sa mga Graysons.

Isa si Xander sa mga trabahador ng farm. Tiniyak sa kanya ni Hestercita mula pa nang tumuntong siya ng edad trese na magtatrabaho siya sa farm tulad sa isang binabayarang trabahador. Kung hindi dahil kay General Grayson ay nunca na makatuntong siya ng paaralan.
"Do you have an errand for me, Dad?" tanong niya matapos tumikhim upang ipaalam ang presensiya.

Agad na hinagilap ng matandang lalaki ang baston nito na nasa tabi ng rocking chair at nilingon siya. Sa kabutihang-palad, ang naging pinsala lang nito sa nangyaring aksidente ay ang pagkakahampas ng kaliwang tuhod sa dashboard na siyang dahilan upang hindi na ito makapagmamaneho dahil kumikirot iyon kapag napupuwersa. Nakakatayo at nakakalakad ito kung gamit ang tungkod.

May ilang sandaling tinitigan siya nito bago nagsalita. Then without preamble, said, "I want you to leave this house, my boy. Right this minute.”

There was a sound of desperation and hurriedness in the old man's voice as he uttered the words in quick succession. Kunot ang noong tinitigan niya ito at baka nakaringgan lang niya ang sinasabi ng ama-amahan.

Wala pang limang minuto mula nang makaalis ang mag-inang Hestercita at Maurice patungong bangko upang ipa-encash ang tsekeng ibinigay ni General Grayson sa asawa mula sa pension nito sa army.

"Leave where, Dad?" nagtatakang tanong niya.

What Xander saw in his adoptive father's eyes he recognized as anxiety. At bago pa makapasok ang pagtataka sa isip niya ay muli itong nagsalita.

“Tumakas ka mula sa bahay na ito, Xander,” wika nito sa salitang English. “Alam kong kaya ka lang nananatili ay dahil sa akin. Dahil ako mismo ang pumigil sa iyo nang tangkain mong tumakas maraming taon na ang nakalipas."

Humakbang siya palabas ng balkon at lumapit dito. "Then why do you want me to leave now?"

May ilang beses na humugot at naglabas ng hininga ang matandang lalaki bago nagpatuloy. “I have cancer, my son," he said. "I haven't told Hestercita and Maurice yet. But I am telling you now. And it's... terminal."

"What are you talking about?" tanong niya kasabay ng kung anong tila malakas na ingay mula sa malayo at nagsisikap makapasok sa kaunawaan niya.

"Blood cancer and the doctors have given me six months to two years tops."

May ilang sandali siyang nanatiling nakatayo lang doon at nakatitig dito bago niya nakuhang muling lumakad patungo sa barandilya ng balkon dahil tila nauubusan siya ng lakas. Subalit parang may bolang bakal ang mga paa niya at kay hirap iyong ihakbang.

May terminal na sakit ang ama-amahan niya! Sa nakalipas na ilang linggo mula nang lumabas ito sa ospital ay napupuna na niyang tila ito laging may malalim na iniisip at nakatanaw sa malayo.

Iniisip niyang resulta iyon ng pagkakaaksidente nito at iyong pagkakakulong sa wheelchair. Si General Grayson ang uri ng taong hindi gustong nakatali sa isang lugar at naaawat ang pagkilos.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now