Chapter 19

1.6K 27 1
                                    


WALANG tinig na namutawi alinman sa kanilang tatlo sa mahabang sandali. Si Jennifer ay mahigpit na nakakapit sa braso ng asawa na para bang doon nakasalalay ang buhay nito. Silent tears were streaming down her cheeks. At ang mga mata nito ay buong pananabik na sinuyod ng tingin si Xander/Alessandro.

Si Zandro ay puno ng emosyon ang mukha. Nakabadya sa mga mata ang maraming damdaming hindi kayang isa-isahin ni Xander/Alessandro.

"Nang... nang ipakilala ka sa amin ni Cameron, alam mo na bang kami ang mga magulang mo?" Zandro asked in a voice that was far from steady.

Tumango si Xander. Tila mahirap hagilapin ang mga salita.

"At hindi ka nagpakilala sa amin. But why?" That was Jennifer. There was no accusation in her tear-filled voice. Ang naroroon ay labis na pagtataka at panghihinayang sa panahong dapat sana ay natuklasan na nito ang katotohanan.

"For so many reasons I can't even think of one at this moment. When I found out that Cameron's my sister-that was on the day she celebrated her twenty-second birthday- pinatibay niyon ang desisyon kong huwag ipakilala ang aking sarili. Alam kong manganganib ang buhay niya sa sandaling malaman ng lahat na magkapatid kami." He paused and drew in his breath.

"Hindi ko kabisado kung hanggang saan ang kapangyarihan ng kasamaan ni Hestercita."

"Sinira niya ang buhay natin, Alessandro!" Jennifer almost screamed in a mixture of anger and agony. "Kagabi, kung hindi ako pinigil ni Kurt at ng ama mo'y gusto kong puntahan sa kulungan ang babaeng iyon. Gusto ko siyang saktan... patayin!"

"Nang magtagpo kami sa gubat ay iyon din ang gusto kong gawin sa kanya." Tumiim ang mga bagang niya at humugot ng hininga para pagluwagin ang dibdib. Kung may masamang nangyari kay Cameron sa pagkasunog ng bahay-bakasyunan ni Brad ay hindi siya nakatitiyak na hindi nga niya mapapatay si Hestercita.

Nang mag-angat siya ng paningin ay nakatitig sa kanya si Jennifer. Her face softened, pananabik at pag-ibig ay nakaguhit sa magandang mukha nito.

"Dapat sana'y agad mong ipinagtapat ang tunay mong pagkatao, anak. We could have her arrested. Dito man o sa ibang bansa..."

"On what ground?" he asked them gently. Hindi niya gustong dagdagan ang poot na nararamdaman ng mga magulang.

"That woman abducted you!" Jennifer cried, her tears were unstoppable. "Dalawampung taong mahigit kang nawala sa amin, Alessandro..." She sobbed.

Kinabig ni Zandro ang asawa sa dibdib nito. Xander would want to do the same but held himself.

"General Grayson had adopted me legally, ma'am. He even left me a huge sum of money. Sa mata ng lahat, I was blessed. I am basically wealthy. Ano ang maaari kong iakusa kay Hestercita? We couldn't prove that she had abducted me when I was a boy. Napakaraming dahilan siyang maibibigay kung paano ako napunta sa kanila." He sighed. Ang sakit sa dibdib niya ay siya rin niyang nakikita sa mukha ng mga magulang.

"The documents General Grayson had sent me wouldn't hold in court. Walang katibayan doon na dinukot niya ako. Truth can be twisted. Ang titingnan ng mga tao ay ang panlabas nilang nakikita. Makukuha ni Hestercita ang simpatya ng mga tao. I inherited half of my adoptive father's wealth. Sapat na patunay na naging mabuti ang pagtrato nila sa akin.

"Then I feared for Cameron's safety. Kung nagawa ninyong lahat na isakripisyo ang kaligayahan ninyo para sa kaligtasan ng kapatid ko, magagawa ko ring isakripisyo ang isang bagay na pinanabikan ko nang lubos sa mahabang panahon-ang makilala at makasama kayong muli."

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now