Chapter 20 - Book 3

1.8K 22 0
                                    


Sa isang pribadong selda sa NBI...

"GRAYSON, may bisita ka!" sigaw ng guwardiya kasabay ng pagpukpok ng batuta nito sa rehas ng bakal ng isang maliit na selda.

Mula sa pagkakahiga sa ibabang bahagi ng double deck ay kaagad na nag-angat ng paningin si Hestercita. Mabilis itong tumayo at halos takbuhin ang iilang hakbang mula sa teheras patungo sa rehas.

Ang bisita ay isang babaeng marahil ay nasa late forties nito. Maayos ang suot at puro alahas ang katawan. Sinipat niya ito nang husto.

"Ate Esther..."

Napahugot siya ng hininga. "Iluminada," she croaked. Hindi niya mapaniwalaang makita niyang muli ang kapatid matapos ang maraming taon. Tulad niya ay matanda na rin ito, maliban sa mas bata sa kanya si Iluminada ng ilang taon.

"Paano mo nalamang-"

"Nakakalat sa lahat ng peryodiko ang mga larawan mo, Ate Esther," anito, may bahagyang lungkot sa mga mata.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?"

"Natakot akong pagkatapos ng lahat ay ipapatay mo ako..."

"Ipapatay!" she screamed, her eyes wide with disbelief. "Kapatid kita, Iluminada. Dugo ng aking dugo. Hindi ako naghihiganti nang dahil sa pagkawatak-watak ng mga kapatid ko para lang ako mismo ang kikitil sa buhay mo!"

"Higit sa ano pa man ay naghihiganti ka para sa kasawian mo kay Senyor Zandro, Ate Esther. At pinapatay mong lahat ang mga taong sangkot sa pagkakadukot sa batang Alessandro..."

"Napakaliit ng naging pagtingin mo sa akin, Iluminada. Kung gusto kitang ipapatay ay napakadali kong gawin. lisang tao lang ang alam kong pupuntahan mo, si Rosalia..." Ang tinutukoy niya ay ang kapatid nilang sa Japan na naglagi at nakapag-asawa ng Hapones.

Bahagya lang ang pagkamanghang ipinakita ni Iluminada. "P-patay na si Ate Rosalia. May isang taon na. Cancer."

May lungkot na nakiraan sa mga mata nito. Pero sandali lang iyon. Tumalim muli ang mga mata nito. "Kailangan ko ang tulong mo."

Nanlalaki ang mga mata nito. "N-nag-iisip ka bang tumakas dito?" Hindi makapaniwalang usal nito at nilinga ang guwardiya sa dulo ng pasilyo. "Imposible ang sinasabi mo, Ate Esther. Kahit bayaran mo pa ang lahat ng guwardiya ay hindi mo matutumbasan ang kapangyarihan ng mga Fortalejo at Navarro."

"Sa palagay mo ba ay hindi ko alam iyon?" tuya niya sa kapatid. "Hindi ang pagtakas dito ang nasa isip ko dahil natitiyak kong imposibleng mangyari iyon."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"May salapi pa ako, Iluminada. Nasa pangalan ko pa rin ang building sa Quezon City, gayundin ang bahay ko, at ang bahay at lupa ko sa San Juan. Ipagbili mong lahat iyon at..." Her voice trailed off.

Sinulyapan niya ang guwardiya na nasa dulo ng pasilyo. Pagkatapos ay sinabi kay Iluminada ang nais niyang gawin nito sa pabulong na paraan.

"Puntahan mo ang mga tauhan ko... pagwawakas niya.

"Bakit kailangan mong gawin ito?" Kuryosidad ang nasa tinig nito bagaman may kislap na sa mga mata pagkaisip na hindi birong halaga ang mapagbibilhan ng mga propiedad niya.

Bumalasik ang anyo niya. "Alam nating pareho na sa bilangguan na ako mamamatay. Mauubos din ang salaping natira sa akin sa pagbabayad sa abogado pero hindi ako makakalaya at sa Correctional ako mabubulok. Titiyakin ng mga Fortalejo at Navarro iyon. Mas nanaisin ko pang ubusin ang salapi ko sa pagpatay sa mga taong nagmalupit sa akin!"

At bago pa uli makapagsalita si Iluminada ay dinugtungan niya ang sinabi. "Dalhin mo ang mga papeles ng propiedad ko. Maliban sa tatlong milyong pisong mapapasaiyo ay iiwan ko sa iyo ang propiedad sa San Juan sa sandaling masunod mo ang ipinag-uutos ko."

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now