Chapter 9 - Book 2

1.4K 22 0
                                    


IT WAS Xander!

It was silly of her. But relief almost made her weak in the knees. She even uttered a little prayer of thanks.

She knew now that he really was sporting beard. Na nadagdagan na naman ng kapirasong milimetro sa nakalipas na magdamag. His long wavy black hair was gleaming against the early morning light that started to seep through the portholes. His dark Spanish features were stamped with bold masculinity, na marahil ay hindi iilang babae ang nabibighani saan man ito magpunta.

Yelena sighed. The man was a work of art. Hindi lang ito mukhang diyoses sa mythical Olympus, kundi ang pangangatawan nito ay tila yaong sa mga Greek gods.
Pero makatwiran ba at katinuan ng kaisipang maituturing na nakahinga siya nang maluwag na ito ang kapiling niya sa magdamag? Na sa walang kamalayan niyang diwa ay naipagkaloob niya ang sarili rito?

Had she? Naiwala ba niya ang virginity niya kagabi?

Pinagsamantalahan ba ng lalaking ito ang kalasingan niya?

May namuong galit sa dibdib niya. Subalit ang galit ay higit para sa sarili niya. Siya mismo ang nagdala ng nangyaring iyon sa sarili niya. Wala siyang dapat sisihin kundi siya... at ang mga kasamang iniwan siya kahapon.

Sinulyapan niya ang kamang pinanggalingan, umaasang makita roon ang tanda ng pagkawala ng virginity niya. Subalit natatakpan iyon ng kumot. Hindi ba niya mararamdaman iyon kung... kung napagsamantalahan siya nito?

Pero wala siyang kakaibang nararamdaman sa sarili niya. Instead, all she could remember was a beautiful dream. And Xander was in it.

But what if she was too drunk to feel anything? Had she lost her virginity last night? Paanong kung ang magandang panaginip pala ay ang sarili niyang kasiyahan sa nangyari sa kanila ni Xander-kung mayroon man ngang nangyari?

She shook her head. She wasn't that dumb and stupid not to feel anything if her body was invaded and used for the first time.

Pero bakit pareho silang hubad?

They might not have sex last night in the literal sense of the word. Pero may mga bagay na magagawang pagsamantalahan ni Xander ang katawan niya.

Naramdaman niya ang paggapang ng init sa mukha niya sa kung ano-anong naisip na maaaring ginawa sa kanya ni Xander.

Could she blame him?

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang kumilos si Xander at tumihaya. Agad niyang natakpan ang bibig upang huwag kumawala ang malakas na singhap mula sa kanya dahil dumausdos ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito at nahantad sa kanya ang pagkalalaki nito.

He was half-aroused and was-oh, Apollo-huge!

She was torn between wanting to stare and peruse the man's maleness because she was so curious as to why he was half-aroused in his sleep; and at the same time the need to run as fast as she could out of the room.

Pero makatatakbo ba siyang palabas sa cabin gayong kung hubad ito ay ganoon din siya?

Ang pag-ungol ni Xander ang gumawa ng desisyon para sa kanya. Napigil niya ang hininga sa lalamunan sa takot na baka ito magising at agad na hinablot ang polo shirt nito na nakasampay sa katabing armchair at itinakip sa sarili. Hindi niya inaalis ang mga mata rito sa pangambang magigising ito.

Oh, god, ano ang sasabihin niya? Ano ang mukhang ihaharap niya rito pagkatapos niyang pagmukhaing mumurahin ang sarili kahapon at magkatabing matulog nang hubo't hubad?

Nakahinga siya nang maluwag nang hindi nagising si Xander. Dahan-dahan siyang humakbang palayo mula sa kama at inikot ang paningin sa loob ng silid. Nang makita ang isang closet ay tinungo iyon at maingat na binuksan.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now