Chapter 22

1.4K 26 0
                                    


Houston, Texas, three months later.

IT WAS Trace and Jessica's garden wedding. It was a perfect day for a perfect wedding. Mababakas ang kasiyahan sa ngiti ng bawat isa. Tila walang masamang pangyayaring naganap sa nakalipas na mga buwan sa pamilya Fortalejo.

Both Rodge's and Jessica's near-death experience hadn't dampened the occasion. Ganoon din ang panganib sa magkapatid na Alessandro at Cameron. Tila ang mga iyon ay isa na lamang uling masamang panaginip. Na sa kabila ng lahat ay may magandang naidulot ang masamang pangyayari ang pagkatuklas kay Xander bilang si Alessandro.

Kaya naman ang kasal nina Trace at Jessica ay nagsilbi na ring reunion ng dalawang pamilya. Walang miyembro ng media at press ang imbitado sa kasal. Gayunma'y nagkampo ang mga ito sa labas ng gate ng Fortalejo Texas mansion, umaasang kahit isa man lang sa mga bisitang kamag-anak ay makuhanan ng larawan at maka-ambush ng interview.

Mabibilang sa sampung daliri ang mga imbitadong hindi miyembro ng dalawang angkan. Kasama na si Yelena roon. Namamangha siya sa karangyaang nakikita niya sa paligid sa kabila ng kasimplehan ng kasal.
Ipinakilala sa kanya ni Cameron sina Trace at Jessica nang unang araw na dumating sila sa Houston. Yelena liked Jessica instantly. It was obvious that Jessica was so in love with Trace. Lalo na si Trace na hindi gustong hiwalayan ng tingin ang asawa.

May kurot ng paninibugho siyang nadama sa puso niya. Hindi totoong hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Hindi rin totoong isa sa mga katangian ng lalaking gugustuhin niya ay salapi. Hindi mahalaga sa kanya ang ganitong karangyaan. Ang kailangan lamang ay pareho silang masikap at nagmamahalan.

She had fallen in love once with a struggling race car driver. Nangarap. Umasa. Ang buong akala niya ay wala nang katapusan ang kaligayahang nadama niya. After three weeks, without warning, Xander dropped her like a hot potato.

Kunsabagay, ang pag-ibig ay sa bahagi niya lang. Dahil kahit pakunwari ay hindi nagawang sabihin sa kanya ni Xander iyon.

She gasped aloud at the pain in her heart. This must be how it felt when you were being knifed literally.

"Are you in pain, hija?" asked Andrea, a worried frown on the old woman's forehead.

Isang sapilitang ngiti ang pinakawalan niya. Mabilis na nag-isip ng sasabihin. "Bigla lang hong sumakit ang dibdib ko. Baka po hangin."

"And what do you know about 'hangin' sa dibdib?" Bagaman nakakunot pa rin ang noo ay nasa tinig na nito ang kaaliwan. "Baka kailangan mong magpatingin, hija?"

"Wala pong ano man ito, ma'am. I have a healthy heart." At bagaman nagkapira-piraso iyong minsan ay nagawa niyang pagtagpi-tagpiin ang puso. It took the news of her brother's kidney malfunction for her to live again.

Laughters from the guests caught the old woman's attention.

Nakahinga siya nang maluwag nang mawala ang pansin sa kanya ng matandang babae. Kasabay niyon ay ang pagkamangha niya sa naramdaman. Tatlong taon na ang lumipas subalit parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Hindi maganda ang nangyayaring ito sa kanya. Magmula lamang nang tanungin siya ni Cameron kung nagmahal na siya ay parati nang sumasagi sa alaala niya ang kahapon.

She sighed and glanced at Cameron and her hero on a wheelchair, Brad Santa de Leones, and was one of the groom's men. Sa kabila ng sakit na nagdaan sandali sa damdamin niya ay hindi maiwasan ni Yelena ang mangiti at makadama ng kasiyahan para kay Cameron at kay Brad.

Both her friend and Brad wore their hearts on their sleeves. She couldn't grudge every woman in this wedding of their happiness. They'd found the right man. Nagkataong hindi siya naging mapalad doon.

Ibinalik niya ang atensiyon sa nagkakagulong mga bisita. Handa nang ihagis ng bride ang bouquet nito. Nakakatuwang ang mga nagnanais na makiagaw ay mga kabataang babae. In their teens. Marahil dahil sabi nga ni Cameron ay pawang may asawa na halos ang mga pinsan nito.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now