Chapter 29

2K 28 2
                                    


"BAKIT ka nagbalik?" Her voice shook a little but she swiftly brought it under control.

He smiled. And Yelena muttered under her breath. Xander always had that smile that could soothe rattlesnakes, she thought furiously.

"Dati kang tumatakbo palabas para salubungin ako sa tuwing naririnig mo ang tunog ng bike ko, Yelena," he said in a mocking tone, the smile was still in place. Hinubad nito ang helmet at ipinatong sa gitna ng manibela.

"Ikaw na rin ang maysabing 'dati, Xander." She raised her chin. "What do you want?"

"I would have asked you this yesterday but you never gave me the chance. Bakit ka nag-resign sa KGC?"

Umangat ang kilay nito. "Natitiyak kong hindi ka interesado sa buhay ko, Xander, kaya huwag na nating sagutin ang bagay na iyan."

"Dahil ba sa akin? Dahil nalaman mong stockholder ang mga magulang ko sa kompanya?"

"I have never known you for being arrogant. It must be the wealth."

"When you met me I am already wealthy, Yelena," he said coldly. "Kung sana ay nagsabi ka lang noon na kailangan mo ng pera ay baka nasabi ko sa iyong marami akong pera at kaya kitang gastusan. Now, as you well know, I am many times wealthier."

Ilang beses siyang humugot ng hininga upang ikalma ang sarili. "Oh, sorry na lang ako. Nadispatsa mo ako kaagad bago ko pa nalamang masalapi ka pala. How would I know na pantatlong linggo lang pala ang timetable mo sa akin?"

Fury crossed his eyes but he toned it down.

"Now, why are you here, Xander?" muli niyang tanong.

"Gusto kong ipaalam sa iyo na balak kong bilhin ang lupaing katabi ng propiedad mo."

Yelena frowned. She glared at him. "Yes, it's for sale. Sa pagkakaalam ko ay may buyer na ang niyugang iyan at kontrata na lang ang kulang..." Nilingon niya ang kanang bahagi ng propiedad niya.

"I will be that buyer."

"Why would you do that?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi mo kailangan ang niyugang iyan kung ang pagbabasehan ko ay kuwento ni Cameron tungkol sa iyo bilang tagapagmana."

He sighed, feeling foolish. "So you wouldn't have to sell part of your land..." he said softly. "When you resigned, I felt responsible. Nalaman kong may pinag-aaral kang kapatid."

Yelena's smile was saccharine. "Why, thank you, Xander. Kung gusto mong bilhin ang niyugan, bahala ka. Pero kung inaasahan kong tatanawin kong malaking utang-na-loob ang gagawin mo ay nagkakamali ka!"

"Yelena-" Ang ano mang sasabihin nito ay naputol sa pagtunog ng cell phone nito.

"What?" he snapped into the mouthpiece.

"Huwag kang humantad," ani Jack sa kabilang linya, "mas o menos ay natitiyak naming may panganib. Kahapon pa kami naghihinalang tayo ang sinusundan ng isang pulang Toyota FX van. Apat na lalaki at isang babae. I saw them at the restaurant yesterday, pero hindi ko pinansin dahil mukha namang mga biyaherong customers."

"May katabaan ang babae, stretchable ang pulang blusa, at naka-dye ng mamula-mula ang buhok?"

"Bingo."

Napuna rin niya ang mga iyon. Kung wawariin ay mga biyahero. At naalala niya ang babae na natitigan niya dahil parang pamilyar. At tulad sa ordinaryong customer ay ni hindi kakikitaan ang mga ito ng kakaibang kilos. Um-order din ng pagkain.

"Where are they?"

"Strange, pero bigla silang nawala gayong nakasunod lang sila sa isang disimuladong distansiya. Nasa bukana si Luis. Ibinaba ko kanina roon at lihim na nag-aabang."
"Apat na lalaki at isang babae. Natitiyak kong hindi kayo pagpapawisan," aniya sa iritadong tono.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now