Chapter 2

1.6K 30 0
                                    


"CONGRATULATIONS!" bulalas ni Cameron. "I wish I were there to share the happiest day of your life!"

Walang hello o ano pa man. Basta dere-deretsong nagsalita si Cameron nang sagutin niya ang cell phone niya. He smiled. His friend hadn't changed a bit.

It was good to hear Cameron's voice. Nakakataba ng puso na kahit nasa America ito'y hindi nito nalimot ang mahalagang okasyon sa buhay niya. Itinuring na niya itong pamilya niya mula pa noong mga binatilyo at dalagita sila. Sa paglipas ng panahon ay lumalim nang husto ang pagkakaibigan nila.

Nagtapos siya ng kolehiyo kagabi at alas-onse na halos nang matapos ang programa. Tinanggihan niyang lahat ang imbitasyon ng ilang classmates na mag-celebrate. Nakita niya ang panghihinayang sa mga mata ng ilang kababaihan. Subalit wala siyang panahon doon.

Isang kasiyahan para sa kanya ang tawag ni Cameron. Kahit paano'y may isang taong nakikihati sa kaligayahang nadarama niya sa pagtatapos niyang ito sa kolehiyo. He had graduated three years late. But it didn't matter. Ang mahalaga'y nagtapos siya at ipinagmamalaki niya iyon.

Mapalad pa rin siya. Financially speaking, hindi iyon naging suliranin sa kanya. May trabaho siya bukod pa sa nandiyan lang ang salaping ipinabaon sa kanya ni General Baron Grayson nang patakasin siya nito mula kay Hestercita at pabalikin sa Pilipinas.

Ang pagtatapos niya ng pag-aaral ay maaaring hindi ang pinakamaligayang sandali sa buhay niya. It was an achievement, yes. Pero ituturing niyang pinakamahalaga at pinakamaligayang sandali sa buhay niya ang araw na makilala niya ang tunay na mga magulang. At umaasa siyang sana'y buhay pa ang mga ito sa sandaling mangyari iyon. Sino ang nakakaalam kung buhay o patay na ang mga magulang niya mula nang mawala siya sa piling ng mga ito?

Sa nakalipas na pitong taon mula nang lisanin niya ang San Diego, California, ay wala pa rin siyang natatanaw na pag-asang makikilala niya ang biological parents niya o alinman sa mga kamag-anakan niya-kung mayroon man. Dahil ni hindi niya matiyak kung ulila na siya at nagawa ni Hestercita na dalhin siya sa America.

He couldn't even advertise in the Internet. Matagal na siyang binalaan ng solicitor ng adoptive father niya na huwag gawin iyon kung hindi niya nais matunton ni Hestercita. Besides, hindi siya nakatitiyak sa tunay niyang pangalan. O ang totoo niyang apelyido. He was eight years old when General Grayson legally adopted him.

Hindi pa rin niya maintindihan ang obsesyon ni Hestercita sa kanya. Iyon man ay nakagulo rin sa isip ni General Grayson noong nabubuhay pa ito. Gayundin ng solicitor nitong si Tom Manning.

"Thanks. The commencement program was last night, Cam," he reminded her without any inflection.

"Yeah, I know but I had a show, Xan. I'd been trying to call you, pero magulo ang linya. Are you at the racetrack?" tanong nito na marahil ay naririnig ang ingay ng mga makina ng sasakyan. At nakikini-kinita na ni Xander ang namamanghang anyo nito.

"Yap. Katatapos ko lang ng five laps. Pauwi na rin ako."
"Sa racetrack!" hindi makapaniwalang tili ni Cameron sa kabilang linya na pumutol sa daloy ng isip niya. "My god, Xan, dapat ay kasama mo ang mga classmate mo at nagse-celebrate pa rin hanggang ngayon!"

"I am celebrating, Cam. With my car. I just completed a dangerous lap."

She groaned. Xander chuckled.

"Oh, well, suit yourself!" naiinis nitong sabi, then hastened to add, "I am sending you a gift..."

"No!"

"I already did!" mariing sagot nito, in a defiant voice, as always kapag may gustong ipilit. At hindi siya magtataka kung sinamahan pa nito ng padyak ng paa ang sinabi. Then her voice turned soft. "You will love it, Xan. It's a vintage Harley miniature. Isang dangkal lang mahigit ang laki. Pero mula sa kaliit-liitang spare part hanggang sa gulong ay yari sa orihinal na materyales. Some body parts are made of titanium."

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now