Chapter 27

1.5K 26 2
                                    


THE WIND whipped his jacket cruelly. Halos paliparin niya ang takbo ng lumang Ducati niya. He had missed the fast lane sa racetrack. Kung may gusto man siya sa Star Highway ay iyong hindi gaanong maraming sasakyan ang dumadaan bukod pa sa napakalapad niyon na sa wari ay anim na lanes.

Isa pang dahilan ng mabilis niyang pagpapatakbo ay ang pagnanais na bigyan ng distansiya ang sarili mula sa sasakyan na nakasunod sa kanya. Isang Pajero na ang sakay ay apat na commandoes bilang bodyguards.

Pawang mga tauhan ni Kurt.

He hated it. Sila ni Cameron. Kapag narito sila sa Pilipinas ay tinalo pa nila ang mga pulitiko. Ang kaibahan, hindi mga ordinaryong sundalo ang mga bodyguard nila. They were the highest paid. From the elite team.

At kahit hindi nila gusto, they couldn't refuse their parents. Maliit na bagay ang mga bodyguard kung ikokompara sa reunion niya sa pamilya.

Sinabi ng mga magulang na maaaring may mga tauhan pa si Hestercita at ano ang malay nila kung ano ang nasa isip ng buhong na babae. May mga reports silang tinanggap na may mga dumalaw rito. Isang babae at dalawang lalaki mula nang mahuli at makulong ito.

Sinulyapan niya ang rearview mirror ng bike. Napakadali para sa kanyang iwala ang mga security subalit natitiyak niyang tatawag ang mga ito sa mga magulang niya at bibigyan niya ng alalahanin ang mga ito na hindi niya gustong mangyari.

Nagmenor siya nang bahagya. Ilang buwan na ang lumipas mula nang huli niyang tahakin ang daang ito patungong Rosario. Much as he wanted to race again, he didn't have the luxury of time. Hindi siya nagrereklamo.

He craved for the company of his family. Tulad din ng mga ito sa kanya. Lalo na ang mommy niya. Marahil kung magiging normal nang muli ang lahat ay makababalik siya sa racetrack at maitataboy na niya ang mga bodyguard na tila niya anino.

Mula nang mahantad ang tunay niyang pagkatao ay marami sa mga kamag-anak niya ang nagsabi na muling nagbalik ang kislap sa mga mata ng mommy niya na maraming taon ding hindi nakita rito. Such a small, beautiful, and loving woman. His mother had a ready smile for everyone. Kakaiba sa kinamulatan niyang bitterness ni Hestercita.

His mother, a few inches over five feet was proficient in judo and karate when she was younger. His father had told him so during family moments. Natuklasan niya na sa mga babae sa pamilya ay isang utos na hindi maaaring ipagwalang-bahala ang pagkatuto ng martial arts para na rin sa proteksiyon sa sarili. He had also learned that Jessica and Cameron were both taught by a monk in Tibet.

He smiled to himself. Hindi siya nagkaroon ng kahit na anong formal na turo at pagsasanay sa pagtatanggol sa sarili. Ang karanasan niya sa mga madidilim na iskinita ng Maynila kung saan ang batas ay Live and let die ay labis-labis para ipagtanggol niya ang sarili sa mano-manong paraan.

Through the years, he had really never killed someone. He could have done so easily but he wasn't a killer. But he had maimed and sent a few to hospitals.

At nitong nakalipas na dalawang buwan ay iginiit ng mga magulang na matuto siyang gumamit ng baril. Gusto niyang tumanggi subalit hindi niya ginawa. Kung iyon ang ikapapanatag ng loob ng mommy at daddy niya ay gagawin niya.

He may be not as skilled as the four commandoes. Or the ex-SEALs since those four were really shooters, kahit sa malalayong distansiya gamit ang mga armas na state-of-the-art, since after a month of training, he refused to go on. It was enough that he could shoot straight to the heart.

Nagmenor siya malapit sa exit at matapos magbayad ng toll fee ay tinunton na niya ang patungo sa Rosario. Hindi niya matiyak kung bakit niya naisip na magbalik sa Rosario na ang dahilan ay hindi ang karera. Maybe he had missed the place. Ilang taon din ang inilagi niya sa lugar na ito.

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now