Chapter 16

1.4K 22 0
                                    


NAPAKUNOT-NOO ito at niyuko siya. Her eyes wide with apprehension. "How... how do you know it's somewhere in Infanta?"

Muntik na siyang masamid. Nagkunwa siyang na-offend. "You said Alta Tierra. Nagbabasa rin naman ako ng mga magazines at society page sa peryodiko, Cam."

"I didn't mean it that way, Xan," she said ruefully. "It's just that..." Naupo itong muli sa binakanteng silya. "Oh, I'm sorry, Xan. I am being paranoid again! And I hate myself for that!"

"It's okay," he said gently. "You have every reason to."

Muling kumunot ang noo nito sa huling sinabi niya pero minabuting ignorahin. He could have kicked himself.

"As I said, I'll explain everything to you one of these days. And no. I won't be driving from Batangas to Manila to Infanta. Sa FNC ako patungo. That's my mother's family's canning factory. May chopper na maghahatid sa amin patungo roon. I will be with my cousins."

Tumango siya. Ni hindi niya makuhang magsalita pang muli nang hindi siya madadala ng emosyon o maipagkanulo ang sarili. Nakaukit na sa isip niya ang bawat tiyo, tiya, at mga pinsan. And Cameron's not one of them. Hindi mahirap hulaan kung sino ang mga magulang nito at kung bakit inililihim ang tunay nitong pagkatao.

Cameron's elder brother had been kidnapped many years ago by a lunatic. Kinatatakutan ng pamilya na baka kapag nalaman ng kriminal na may iba pang anak ang mag-asawang Zandro at Jenny ay manganib ang buhay nito.

Xander had this strong desire to embrace his little sister, crush her in his arms and tell her he ached for her.
For him.

For their parents and their families.

That he loved them so much that he would willingly give his life for them.

Pero iyon mismo ang dahilan kung bakit hindi niya makuhang magpakilala-isasapanganib niya ang buhay ng kapatid na buong buhay nito ay itinago sa lahat dahil sa hindi nakikitang kaaway.

Dinampot ni Cameron ang bag at pagkatapos ay umikot sa kinauupuan niya. Kapagkuwan ay kumislap ang mga mata nito. "Oh. Magandang pagkakataon nga pala ito para makausap ko si Lolo Franco, Xan. Hihingin ko ang sponsorship ng FNC Canning para sa team natin!"

He tried to appear ecstatic. "Good luck.

Kailangang-kailangan natin ng sponsors, Cam..."

"Mapapapayag ko si Lolo." Puno ito ng kompiyansa. "You're a good race car driver. At marami pang mahuhusay sa team natin." Yumuko ito at hinagkan ang pisngi niyang puno ng stubbles. Then she grimaced.

"I don't understand why you are sporting whiskers."

Tulad mo, ako man ay nagtatago ng tunay na pagkatao. Ngayong natuklasan kong kapatid kita, iyan ang pinakamahalagang dahilan upang protektahan ka... ang buong pamilya. Pangalawa, ay dahil hindi ko matiyak kung paano ako muling magbabalik sa piling ninyo pagkalipas ng maraming taong pagkawala. Kung may puwang pa ako sa buhay ninyo... kung tuluyan n'yo na akong nalimot... o sa inyong akala'y matagal na akong patay...

He wanted to tell her that. And he wondered what would have happened if he had actually announced that.
Sa halip, isang pilit na ngiti ang ibinigay niya rito. "That gives me a dangerous look. And women love it, sweetie."
She rolled her eyes. "See you, Xan."

"Hey."

Napahinto si Cameron sa paghakbang.

"Ihahatid kita sa Maynila."

Kumunot ang noo nito. "Why?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "May sarili akong sadya roon."

"Ano ang sasakyan mo pag-uwi?"

Kristine Series 49: Alessandro Leon  Where stories live. Discover now