Chapter 26 (Last Chapter)

10.9K 478 76
                                    

Last Chapter

Karylle's POV

"BENJIE!!!"

Napasigaw ako nang makita kong tumama ang bala ng baril sa likod ng mahal ko. Humagulgol ako sa iyak nang unti unti nang pumikit ang mga mata nya at padapang bumagsak sa sahig.

"Ka-Karylle." huling narinig kong sabi nya.

"No! Benjie!!!" Niyakap ko sya ng mahigpit habang wala na syang malay.

"Gumising ka Benjie!.. Wag kang mamamatay!.. Benjie please!" halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak.

Nakita ko din si Neil na nakabulagta na sa sahig. Nilapitan ako ni Lucresia.

"Benjie?" sabi nya. Tinignan nya ang tama ng baril sa likod ni Benjie at hinipo nya ang leeg nito.

"Luc, help me.. Dalhin natin sa ospital si Benjie!" umiiyak kong sabi.

Akmang magsasalita pa sana si Lucresia nang may lumitaw na kalaban sa likuran ko kaya agad nya itong binaril.

"Tara na Karylle.. Kailangan na nating makalabas dito! Marami pang kalaban!" sabi nya at hinila ako sa kamay.

"Hindi ako aalis dito!.. Hindi ko iiwan si Benjie!" sigaw ko.

"Halika na! Ayaw ni Benjie na mapahamak ka!.. Parating na ang ibang team para kunin si Benjie!" muli akong hinila ni Lucresia. Napatayo ako nang may magpaputok samin na kalaban.

Maya maya pa ay may dumating na mga kateam nila Benjie. Nakita kong binuhat nila si Benjie. Wala nang malay si Benjie. Hindi ko din alam kung buhay pa sya. Ang sakit sa dibdib na makita ang mahal ko sa ganitong sitwasyon.

Tuluyan na kaming nakalabas ng warehouse at nakita kong pinasok nila sa sasakyan si Benjie.

= = = =

General POV

"Ana Karylle, anak... Kumain ka muna." pang-ilang beses na itong sinabi ni Mr. M sa anak nitong mga nakaraang araw pero palaging katahimikan ang sagot sakanya nito.

Nakatanaw lang si Karylle sa bintana ng kwarto nya. Tila may inaabangan itong pumasok mula sa gate ng mansyon.

"Hija, he's gone.. Wala na si Benjie." napatingin si Karylle sa ama. Nag-uumpisa nanamang mamasa ang mata ng dalaga.

"Don't said that Dad... Babalik si Benjie." mangiyak ngiyak na sabi ni Karylle.

"It's been 6 months, Baby."

"Yes.. It's been 6 months, at hindi ko padin alam kung buhay pa sya o kung ano ngang nangyari sakanya after ng nangyari.. Bakit ba hindi nila sinasabi sakin Dad?!" tuluyan nang naiyak si Karylle at pasubsob itong humiga sa kama nya.

"Maybe there's a reason.. Baka si Benjie nadin ang may gusto nito." sobra nang nasasaktan si Karylle sa mga sinasabi ng ama.

Pagkatapos nyang makitang pinapasok ang walang malay at duguan na Benjie sa kotse ay hindi na nya ulit ito nakita. Maski sila Lucresia at Alex ay walang binabalita sakanya.

Ang tanging alam nya lang ay patay na si Neil at nakakulong na ang Tito Robert nya.

Anim na buwan nang nahihintay si Karylle sa muling pagbabalik ni Benjie. Anim na buwan na syang nangungulila sa mahal nya. Anim na buwan nadin syang nagmumukmok sa kwarto nya. Anim na buwan nading walang sagot ang tanong nya.

Nasaan na si Benjie?

= = = =

"Babalik pa kaya sya sa dati?" tanong ni Lucresia kay Alex habang nakatingin sa kaibigan na tulalang nakatanaw sa bintana ng kwarto.

The Beki BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon